Judy Ann Santos on ad spots of My Househusband on ABS-CBN: "Sa mga ganito namang pagkakataon, sa ganitong salita naman, ang bawat network naman na may mga pambatong pelikula sa MMFF, alam naman natin na yun naman ang tututukan. Pero may mga panaka-naka naman kaming spot na nakukuha sa both networks. Hindi lang sa ABS. And naiintindihan namin yun kasi kalaban nila kami."

Photo: Noel Orsal

Bago ang question-and-answer portion sa press conference para sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na My Househusband kahapon, December 7, magkahiwalay na nagluto ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Ang presscon ay ginanap sa Napa Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Ang mga niluto nila ang mismong inihain at pinakain sa invited entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakakatuwa ngang tingnan ang mag-asawa habang nagluluto. 

Maging sa kanilang sariling bahay, kahit working mom at hindi biro ang schedule sa kanyang showbiz commitments, nagagampanan pa rin ni Judy Ann ang pagiging maybahay niya kay Ryan.

Si Judai raw mismo ang nagluluto ng baon ni Ryan sa trabaho.

Kuwento ng aktres, "Ngayon kasi, alam ko naman ang schedule ni Ryan. May taping siya for [Eat] Bulaga! for Christmas.

"So, morning, gigising ako ng alas-singko.

"Hangga't maaari, alas-singko or alas-sais ng umaga, para mabantayan din si Yohan sa pagkain. Maihatid sa school.

"Pagbalik, maglalaro kami ng konti ni Lucho, then gigising na si Ryan.

"Habang naglalaro si Lucho, gagawin ko naman ang baon ni Ryan for Eat Bulaga! and for Talentadong Pinoy."

Ano ang madalas na ipinapabaon niya kay Ryan?

"Kapag naka-diyeta siya, walang carbs.

"Kapag alam ko na ordinary day, meron siyang special fried rice na ipinapabaon ko sa kanya.

"Pagdating ng tanghali, wala na si Rye, alone time ko na yun.