Sam Concepcion on why he likes Kim Chiu: "She just seems very sweet and good-looking."

 

Photo: Noel Orsal

Palagi naitatanong kung ano ba talaga ang priority ni Sam sa kanyang career. Singing ba, o acting?           

"Palagi po akong natatanong ng question na 'yan. Ang hirap sagutin, e. Kasi po, parang magkaiba.

"Kapag nag-acting ka rito sa Pilipinas, ibang klase rin ang impact mo.

"Siyempre, yung teleserye pinapanood ng mga tao. Yung music naman, parang ibang way naman yun. Parang magkahiwalay na path.

"Yung music naman, parang iba rin ang ginagawa mo. Yung album, it's played on the radio.

"So actually, at this point, tinitingnan ko po kung ano ang mas magandang way para sa akin to get there.

"Right now, I just feel very blessed na nagagawa ko siya pareho and iwe-weigh natin kung saan man maganda, 'di ba?"

STILL A KAPAMILYA! Ayon kay Sam, kakapirma lang daw niya ng panibagong kontrata with ABS-CBN.

"Kaka-sign ko lang po ng another contract for two-and-half years."

Nang matanong ito kung wala ba siyang natanggap na offer from TV5, nagbiro si Sam ng, "Kapag mga one billion na po."

"Hindi po, hindi po...none that I know. At saka, wala naman po ako sa ganoong level."

GIRLS, GIRLS, GIRLS? Sa edad niyang 19, wala pa rin masasabing consistent na nali-link sa kanya or nabalitang girlfriend niya ngayon.

Katwiran ni Sam, "Yun nga po, siguro sa tagal na wala, parang sa ngayon, masaya lang po ako na single lang.

"Sa totoo lang, I feel na mas kailangan ko ngayon na mag-concentrate sa career ko.

"Tingin ko rin po, mas gusto ko ngayon to have friends at walang pressure sa relationship. Mahirap yun, e.