Gov. ER Ejercito says Regal Films is prohibiting Carla Abellana from promoting their movie; clarifies "billing issue" of Phillip Salvador

William Reyes
Friday, December 09, 2011 @ 02:15PM  |  260 views

"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films," says Gov. ER Ejercito (left) when asked why Carla Abellana was not at the presscon where this interview took place. With him in the photo is his son Jerico Ejercito (right) who plays the young Asiong Salonga in the movie.

Photo By: Manila Galang













Maraming issues ang nilinaw ni Laguna Governor ER Ejercito sa major presscon ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story kahapon, Disyembre 8, sa Zirkoh Restaurant Bar, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang nasabing pelikula, na si Governor ER ang nasa title-role, ay entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival, simula sa December 25. 

Sa pelikula ay ginamit niya ang pangalang Jorge "ER" Estregan Jr., sunod sa pangalan ng kanyang yumaong ama, ang aktor na si George Estregan.

Sa unang dalawang presscon pa lamang ng pelikula na dinirek ni Tikoy Aguiluz, early and middle of this year, ay nagkaroon na ng aberya dahil may pagtutol ang Regal Entertainment outfit  sa partisipasyon ng leading lady ni  Jorge Estregan Jr., na si Carla Abellana.

Sa Regal Entertainment kasi eksklusibong nakakontrata ngayon si Carla.

At sa presscon kahapon ay isa ito sa mga issue na binanggit ng actor-politician. 

Galit daw ngayon si Governor ER kay Mother Lily Monteverde.

"E, hinaharang niya, e," ani Governor ER.  "Siya ang humarang, e. Siya ang humaharang. Ayaw niyang mag-promote si Carla, e."

Matapos ang Q & A, sa presscon proper, nagbigay pa ng ilang detalye si Governor ER tungkol sa naturang isyu, sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang taga-media. 

"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films."

Wala nga si Carla sa presscon kahapon, at sa dalawang naunang presscon para sa nasabing pelikula noong Enero at Agosto ng taong ito.

Pero hindi raw galit si Governor ER kay Carla at sa manager nito [Vegafria].

"A, hindi po.  Dun lang sa mga pumipigil sa kanya," pag-amin ng gobernador.

Pero itinanggi ito ng lady boss ng Regal Films na si Roselle Monteverde-Teo. Nung usisain siya ng PEP sa pamamagitan ng text message, ang reply nito: "Of course not!"

Nang ikontak naman si Arnold, ang sabi nito, "Carla cleared the issue in her presscon now."

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name