news

Gov. ER Ejercito says Regal Films is prohibiting Carla Abellana from promoting their movie; clarifies "billing issue" of Phillip Salvador

by William Reyes posted on December 9, 2011  STATS: 966 Views | 7 Comments

"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films," says Gov. ER Ejercito (left) when asked why Carla Abellana was not at the presscon where this interview took place. With him in the photo is his son Jerico Ejercito (right) who plays the young Asiong Salonga in the movie.

Photo By: Manila Galang

Ilalathala sa araw ding ito ang pahayag ni Carla tungkol sa isyu.

Samantala, ayon pa kay ER, masama rin ang loob ng Viva Films, na siyang nag-distribute ng pelikula na prinodyus ng isang independent movie outfit, ang Scenema Concepts, Inc., as represented by Ms. Mylene Enriquez.

Dumalo rin sa presscon si Ms. Enriquez, gayon din ang politician-wife ni Governor ER na si Mayor Maita Sanchez  ng Pagsanjan, Laguna, at dalawa niyang anak na binata.

Maaayos pa kaya ang problema ng production hinggil sa partisipasyon ni Carla Abellana, sa promosyon ng pelikula, habang nalalapit ang premiere night at opening ng pelikula?

"Malabo... malabo," saad pa ni Governor ER, na may panghihinayang.  

"Maganda at malaki pa naman ang role niya, halos pantay nga kami. Mga fifty percent din ang exposure niya. Puwede rin siyang ma-nominate as best actress..."

"BILLING" ISSUE.   Bukod sa problema sa pagpu-promote ni Carla Abellana ay binanggit din ni Governor ER ang tungkol sa issue sa billing niya at ni Carla, at pati na rin ni Phillip Salvador.

Sa layout ads ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay prominently billed, above the title, ang mga pangalan nina Jorge "ER" Estregan, Jr., kapantay ng kay Carla Abellana.

May below-the-title billing din ang dalawa, na mas maliit.  

Pero sa hanay nito'y una ang pangalan ni Phillip Salvador na mas maliit na ang tipo, kumpara sa above-the-title billing ng bidang magkaparehang Jorge at Carla, ayon sa ginampanan nilang mga tauhan.

Nabalita na diumano'y nag-demand ng "mas magandang billing" ang multi-awarded actor na si Philip Salvador.  

Totoo nga ba ito?

"Hindi," banggit ni Governor ER.  "Una naman siya [Phillip], pagbukas ng pelikula, unang-una ang pangalan niya.

"Pero, dun sa itaas, Viva Films decision 'yon.

"Gusto nila, parang sa [Bitayin Si] Baby Ama [1976], nina Alma Moreno at Rudy Fernandez."

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • JeepneyDriver

    12/13/2011 | 05:30 AM
    Governador na pala ito...dating Rapist ang labas nito lagi sa pelikula...tulad ng tatay niyang PENE-movie king...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • betsylane

    12/11/2011 | 01:08 AM
    sana lang nagpa-alam si carla kay mother lily bago nila tinanggap yung project, eh di sana walang gulong ganito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • froxz_123

    12/09/2011 | 08:45 PM
    noong hindi napili ng mmff committe ang asiong mo nagreklamo ka bakit mas pinili ang mr. wong. dami mo reklamo. si philip salvador nga ipinatanggal ang name niya sa poster dahil yong name niya nilagay lang sa supporting cast bukod sa alam ni ipe na pangit talaga ang movie na asiong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • froxz_123

    12/09/2011 | 08:38 PM
    reklamador..... alam mo namang may exclusive conract yang si carla tapos sisihin mo ngayon si mother lily.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • butching

    12/09/2011 | 07:51 PM
    akala ko si janno gibbs. lol. sensya na - iyon ang una kong napansin e. pasko na nga di pa magka-ayos lahat. una, kay robin nagka-problema. ngayon naman sa regal films. masamang pangitain sa negosyo. oh well, kung maganda naman talaga, malalaman ng tao yan at tatangkilikin kahit hindi na-promote ng masyado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    12/09/2011 | 05:31 PM
    napalabas na ba yung pelikula nila ni ate Guy? kumita ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hoperisen888

    12/09/2011 | 04:52 PM
    1st
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About