"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films," says Gov. ER Ejercito (left) when asked why Carla Abellana was not at the presscon where this interview took place. With him in the photo is his son Jerico Ejercito (right) who plays the young Asiong Salonga in the movie.

Photo: Manila Galang

"Palagay ko, ito na siguro ang pinakamagastos na pelikula sa Metro Manila Film Festival. Oo, 75 million [pesos]," pagtukoy niya hinggil sa budget/cost ng entire project.

"Shot in black-and-white. It's a gangster film na maipagmamalaki natin sa ibang bansa," sabi pa niya.

WELL-RESEARCHED.  Ang sumulat ng screenplay ay si Roy Iglesias, kasama ang team ng researchers.

"Yes. Nasa Tondo lagi ang ating mga researchers. At maraming dokumento ang nakuha nila sa Internet at sa National Library kaya well-researched po ang pelikulang ito.

"Untold story ito ni Asiong Salonga," pagtukoy pa ni Governor ER sa true-to-life character ni Nicasio Salonga, the legendary "Robinhood" of the underworld, noong late '40s and '50s, sa magulong distrito ng Tondo, Maynila.

"Madaming bakbakan ngayon ang ipinakita. Ipinakita din ang maraming minahal niya sa buhay, mga naging inspirasyon," banggit pa niya.

"Palagay ko, ito rin ang pinakamagandang Asiong Salonga.  In this generation, ha?" banggit pa ni Governor ER.

"Siyempre, nung kay Erap, maganda nung panahon niya. Nung kay Daboy, maganda rin nung panahon niya [late '70s].

"Yung ginawa ko, nung [late '80s], maganda rin ang Asiong Salonga nung panahon na 'yon.

"Ngayon naman, ito na ang pinakamaganda!" pagpuri pa ni Governor ER sa latest collaboration nila ni Direk Tikoy.

"Siguradong matutuwa po kayo sa pelikula dahil pinaghirapan, ginastusan at maipagmamalaki sa buong mundo."

Mayroon nga raw prospects for showing abroad sa international filmfests ang kanilang pelikula.

"May mga premiere nights kami sa ibang bansa, na inaayos pa," aniya.