Hindi kakaiba ang inaasahang pagdiriwang ng Pasko ni Alex Gonzaga.
"Masayang-masaya ang Pasko ko [this year] dahil masaya kami dito sa TV5!" bungad ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong tanghali ng December 7, bago magsimula ang taping niya at mga kasamang co-hosts ng programang Juicy!
Bukod dito, sabi rin ng young actress, "Masaya naman po ang pamilya. Wala naman pong maysakit. All is well. So, masaya tayo."
Paano nagse-celebrate si Alex at ang pamilya nila ng Christmas, bilang non-Catholic Christians?
"Methodist [kami], oo. Maganda rin ang Pasko namin," sabi niya.
"Magsisimba muna, tapos sa bahay magse-celebrate.
"Lagi, ini-invite namin yung both sides ng father and mother, sa bahay kami.
"Same pa rin po."
Bukas sa lahat ang tahanan ng mga Gonzaga sa Cainta, Rizal.
At natutuwa pang kuwento ni Alex, "Naku, sa bahay, mero'n kaming talking Santa Claus!
"Nagpabili ang mommy [Pinty] ko sa States! Oo, sumasayaw-sayaw siya!"
ON KEAN CIPRIANO. Kasalukuyang abala si Alex sa primetime drama series na P.S. I Love You, na isinasahimpapawid ng TV5 on weeknights pagkatapos ng Glamorosa.
"Hanggang next year pa po yun. For one season, three months," banggit niya.
Ang kapareha niya sa serye ay ang rocker/actor na si Kean Cipriano.
Bagamat na-link sila ni Kean, nilinaw ni Alex na wala silang relasyon ni Kean.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 sandyb105
14 sandyb105
13 Santosd27
12 Santosd27
11 milomilo123
10 atwoodm
9 atwoodm
8 pilyangmaganda
7 Lucifermin
6 ngalotp
5 atwoodm
4 hernandyb
3 pilyangmaganda
2 Lokotoy
1 yaralei