news

Vic Sotto evades questions about rumored relationship with Pauleen Luna

by Rose Garcia posted on December 9, 2011  STATS: 3360 Views | 122 Comments

 

The entertainment press tried very hard to get an answer from comedian Vic Sotto about his rumored relationship with Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna. Vic avoided answering questions by using his wit and charm.

Photo By: File photo

Muling tumuntong si Vic Sotto sa ABS-CBN compound kagabi, December 8, dahil sa press conference ng pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas para sa Metro Manila Film Festival 2011, ang Enteng Ng Ina Mo.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theater ng Kapamilya network.

Sa naturang presscon ay sinubukang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Vic ang napapabalitang relasyon daw nila ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Pauleen Luna.

Pero naging mailap ang comedian-TV host sa pagsagot kaya hindi nasagot ang katanungan ng marami.

Nagsimula ang attempt ng entertainment press na alamin ang tungkol sa kanila ni Pauleen sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang plano niya ngayong Pasko.

Sagot ni Vic, "Ganoon pa rin. Kung ano ang plano ko last year, hindi naman nagbabago yun, e."

Sundot na tanong sa kanya: May nagpapainit ba ng Pasko niya ngayon?

"Palaging mainit din ang Pasko ko. Tuwing Pasko, natatanong din ako niyan!" natatawang sagot ni Bossing.

Sumunod na tanong: Mas masaya ba ang Pasko niya ngayon?

"Palaging masaya ang Pasko," tugon ni Vic.

Hirit na tanong muli sa kanya: May inspirasyon ba siya ngayon?

"Palagi akong may inspirasyon. Marami akong inspirasyon," safe na sagot niya.

Halatang idinadaan na lang ni Vic sa mga biro ang sagot niya sa mga tanong ng press, lalo na nang tanungin kung may lovelife ba siya ngayon.

Sabi niya, "Palagi akong may lovelife."

Sa huli, hindi na rin napigilan ng press na direktang tanungin kay Vic, 57, ang nali-link sa kanya ngayong si Pauleen, 23.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

122 Comments

  • 62  totoy_15

    12/10/2011 | 11:30 AM
    54 dorarat2008 "I think I have the right to judge them because I do not have a beam or a speck of immorality in my life." Geeesh woman, do you even realize what you're spewing here. I can safely say you're one big pile of hypocritic cr-p. There's no amount of rationale that would make you let them be. How 'bout laying off the crazy pipe and just mind yourself for a change.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  kalawangin

    12/10/2011 | 10:45 AM
    PADAMIHAN NG POST SINA KRISTINE AT OYO DITO HA....HAHAHAHA.....MOVE ON GUYS!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  joie2dworld

    12/10/2011 | 10:45 AM
    bakit si Poleng ang inaalipusta ni Oyo Boy, eh iyong Tatay niyang si Vic ang nag-pursue to no end kay Poleng, si Poleng lang ang dinidikdik, eh pati pala parents ni Poleng eh, niligawan ni Vic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  BHADE

    12/10/2011 | 10:43 AM
    RELAX LANG..BAKA TSIKA LANG YAN...REMEMBER BEFORE SI BOSSING ANG NA LI LINK KAY KRIS TULODAHIL ME MOVIE SILA NOON WITH IPE SALVADOR EVENTUALLY SI IPE PALA ANG TUMIRA...WAIT AND SEE....LMAO!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  Xray

    12/10/2011 | 10:30 AM
    Kung si Pauleen nga ang pinaparinggan ni Oyo sa mga twits niya dahil tutol siya sa relasyon nila, bakit hindi niya kumprontahin ang tatay niya??? Ang babaeng mga pumatol kay Vic ang napapasama, si lagi ang napapasama from Coney, to Christine, to Angela, to Pia, to Aida, To Lorna, To Fe, To Maria Clara, To Sisa, To Gabriella Silang, etc., etc., the lists goes on and on. Palagi nalang double-standard. This is a voluntary relationship. Walang pilitang nangyayari. Galit ang mga tao kay Pauleen dahil pumatol sa matanda, eh bakit si Vic tuma-target ng bata??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  MarkLapid

    12/10/2011 | 10:28 AM
    Ang tingin ko, kaya pumatol sa gurang si Pauleen dahil naghahanap ng father image. Wala siguro syang tatay kaya napalapit kay Vic. Para silang mag lolo. Si Vic,wala ng pagbabago yan, lahat pinapatos kahit siguro 80 years old na sya basta makakita ng babae,hindi nahihiya banat lang ng banat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  Xray

    12/10/2011 | 10:23 AM
    In love man or hindi, playtime lang mor serious, malaking posibilidad na hindi ma-uwi sa kasalan. History repeats itself, halos lahat ng co-hosts diyan pinatos na ni Vic. Kulang na lang ay si Ruby at Allan K. Ni hindi nga pinakasalang yung ibang mas mature itong nene pa kaya? Okay lang na maging sila, pareho silang libre, hayaan na ang age gap dahil si Lolo Vic feeling teenager pa rin. Huwag lang sana mag-wala si Pauleen pag ang ending niya ay tulad din ng iba--- iiwan din pagkatapos pagsawaan dahil kung tutuusin, kahit hindi man aminin ni Vic, he's not the marrying kind at all. And that's okay. Marriage is a personal choice. Ang tipo niya ang date at your own risk ika nga at dapat walang expectations of longevity that will lead to marriage dahil it will NEVER happen. Now if Pauline is willing to take that risk, it's up to her, good luck na lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  D_katie

    12/10/2011 | 10:20 AM
    Walang delicadeza si Pauleen para pumatol sa matanda. At si Vic, basta makakita ng bibingka,sige lang ng sige,walang pinagkatandaan. Huwag na sanang gayahin ng mga anak nyang lalake. Si Oyo boy, tingin ko matino at good husband.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  dorarat2008

    12/10/2011 | 10:13 AM
    I think I have the right to judge them because I do not have a beam or a speck of immorality in my life.Ni minsan hindi ako nakikiapid sa may asawa.Hindi ako naglalandi sa mga lalaki lalo sa may asawa o may girlfriend.Pormal akong nakikiharap sa kanila.I do not enjoy listening to green jokes.Hindi ako tumitingin sa lalaki nang may kalibugan.Kung namumuna man ako is just to warn them of the trap of sin na papasukin ng para nang mag-amang Pauline 23 at Vic Sotto 57 na naging magkasintahan.Kung mabuntis si Pauline, ang mga anak nina Danica at Oyo matanda pa sa tatawagin nilang tito or tita.I do not want that Vic Sotto will become another Dolphy or Ramon Revilla Sr na dysfunctional ang family.Tama nang nakabuntis sya nang iba ibang babae not only once but thrice.Wag nya nang dagdagan ang kanyang kasalanan sa Dios.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  dorarat2008

    12/10/2011 | 10:12 AM
    Reader, we are supposed to warn people of their wicked ways to save their lives!!! God's Word makes this plain. And God can use anyone to do this work, even an ex-murderer like Paul or Moses. But make sure that the beam is removed from your own eye so that you are ready and capable to be used by the Lord. And it's great to tell people about mercy and faith, but first you must also tell them about the law and judgment Matthew 23:23 I think I have the right to judge them because I do not have a beam or a speck of immorality in my life.Ni minsan hindi ako nakikiapid sa may asawa.Hindi ako naglalandi sa mga lalaki lalo sa may asawa o may girlfriend.Pormal akong nakikiharap sa kanila.I do not enjoy listening to green jokes.Hindi ako tumitingin sa lalaki nang may kalibugan.Kung namumuna man ako is just to warn them of the trap of sin na papasukin ng para nang mag-amang Pauline 23 at Vic Sotto 57 na naging magkasintahan.Kung mabuntis si Pauline, ang mga anak nina Danica at Oyo matanda pa sa tatawagin nilang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  Deane_2005

    12/10/2011 | 10:05 AM
    Just because mas bata si Pauleen ke Vic eh masama na sila kapal tlaga ng mga mukha ng nagko comment ng nega dito as if naman may ginagawa silang karumal dumal na gawain ..Eh ano naman sa inyo kung inlove silang dalawa...Wala na kayong pakialam dun if ever noh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  Deane_2005

    12/10/2011 | 10:03 AM
    FYI Si Pauleen Luna po sa pagkaka alam ko eh hindi user at hindi nya kelangan ng pera tatlo po ang gasoline station nila at madami po silang business ng family nya tsaka baka naman tlaga nagmamahalan sila ..Pakialam naman natin sa buhay ni bossing eh wala naman syang asawa...Tsaka matindi tlaga appeal ni bossing sa bababe...Astronut maghinay hinay ka sa pagsasabi mo na mas malala pa s bossing sa ke Willie haler ang tagal na ni bossing sa EB hindi naman garapalan yung ginagawa nila atleast na inlove tlaga sila kung yung sa abroad nga ang daming ganyan mas sobrang bata yung mga asawa nila merun ba nag issue manlang?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  fatedtoloveyou25

    12/10/2011 | 09:33 AM
    grabe nman mga nega d2..nu bng pakialam nyo kng magkagustuhan cla..eh buhay nman nila yun...at yung sinasabi nyo n kasalanan yung bng pang huhusga nyo hnd ksalanan sa dyos...hnd lng cla ang my ganyang klase ng relasyon kng sakali..nagkataon lng n pareho clang artista kya napupuna..hnd nyo nman nakikita ang araw araw n nangyayari sa knila..hnd nyo nman cla kasama..malay nyo b tlga kng napamahal n c vic ke pauline..wag nyong husgahan ang pagmamahalan nila kng meron man.kc buhay nila yun..c pauline nman ang makikisama kng sakali sa mga anak ni vic nho...magpapasko na..wag munang puro nega kau...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  dorarat2008

    12/10/2011 | 08:12 AM
    Itong si Vic Sotto abala sa kanyang lustfulness while his children are making up for the lost time na lately lang sila nagkaroon ng personal relationship sa Dios kaya busy ngayon sa pakikinig at pag-aaral ng Biblia dahil ayaw nilang matulad sa kanilang mga parents na hiwalay at magkaroon ng stable family life. Tama si Oyo o VSotto12 sa kanyang mga tweets.Nakakalungkot talaga ang nangyayari sa tatay nila.Si Pauleen pa naman na kilala sa pagiging user at pinalaki ng mga magulang sa materialismo.Hindi magiging magandang environment yan sa lumalaking anak nina Danica at Marc at sa kay Kiel na adopted son nina Oyo at Kristine at sa paparating nilang baby girl.Malilito ang mga bata sa kanilang lolo Vic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  joie2dworld

    12/10/2011 | 07:47 AM
    sana man lang ay naisip ni VIC at isina-alang-alang na eventually ay masasaktan si Poleng dahil, hindi pabor ang kanyang mga anak sa kanilang relasyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  dorarat2008

    12/10/2011 | 07:42 AM
    Tweets of Oyo at VSotto12 Dec. 4 Ang dami talagang mukhang pera.Ang daming lumalandi.Nakakalungkot. Dec. 4 RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG RESPETO LANG Dec. 6 If you want to stay on track with God and keep a good attitude, you have to make communication with Him a daily priority. Dec. 8 Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see. -Hebrews chapter 11 verse 8 Dec. 9 Ang daming nagpapanggap Dec. 9 Laging nasa huli ang pagsisisi. 22 hours ago to Romantic Lukaret walang problema samin ni tin. We're very good.. : marami lang talagang umeepal sa pamilya namin. 22 hours ago Obedience to God's Word is the recipe for spiritual success. 8 hours ago Legs spread faster than lies these days. True eh?!-yes!! Very true!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  fecatada

    12/10/2011 | 06:19 AM
    Good for Pauleen her career is going to d great coz vic is popular. For Vic just marry conney reyes I know she'll be fathful to you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  totoy_15

    12/10/2011 | 05:58 AM
    These are 2 consenting, able adults, minding their own business, who are in no way a burden to society. Why don't you people just let them be. You're so enmeshed with their lives you probably forget to mend your own. So get off your high horses and let them do as they please, live out their lives, for as long as they don't infringe on others, simple as that. My guess is all of you here who has anything nasty to say on these call yourselves christians as well, as with a vast majority of filipinos, refrain from judging others then lest you be judged. Otherwise, I suggest you crawl back under the rocks you came from and live out your merry lives there.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  totoy_15

    12/10/2011 | 05:52 AM
    These are 2 consenting, able adults, minding their own business, who are in no way a burden to society. Why don't you people just let them be. You're so enmeshed with their lives you probably forget to mend your own. So get off your high horses and let them do as they please, live out their lives, for as long as they don't infringe on others, simple as that. My guess is all of you here who has anything nasty to say on these call yourselves christians as well, as with a vast majority of filipinos, refrain from judging others then lest you be judged.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  totoy_15

    12/10/2011 | 05:52 AM
    These are 2 consenting, able adults, minding their own business, who are in no way a burden to society. Why don't you people just let them be. You're so enmeshed with their lives you probably forget to mend your own. So get off your high horses and let them do as they please, live out their lives, for as long as they don't infringe on others, simple as that. My guess is all of you here who has anything nasty to say on these call yourselves christians as well, as with a vast majority of filipinos, refrain from judging others then lest you be judged.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About