Janice de Belen on being loveless: "Alam n'yo minsan, kapag na-in love ka kasi, madi-divide ang attention mo between, of course, your personal life and your career. Right now, I have renewed passion for my career. Dito muna ako. Tama na muna ako dito."

Photo: Noel Orsal

Masasabing ang 2011 ang isa sa pinakamagandang taon para sa aktres na si Janice de Belen.

Isa sa malaking dahilan nito ay ang pagkakasali niya sa primetime series ng ABS-CBN, ang Budoy, kunsaan hinahangaan ang kanyang pagganap bilang kumupkop kay Budoy (Gerald Anderson).

Ang Budoy ang unang proyekto ni Janice nang bumalik siya sa bakuran ng Kapamilya network.

Ayon kay Janice, "Alam mo, every blessing, every job, is bongga kasi blessing 'yan. 

"So, okay naman ako. Kasi 2011, siguro may extra-bongga."

Dagdag pa niya, "Moving station is not easy.

"Parang buhay yun. Yung transition. 

"Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, di ba? Minsan surprise. 

"Pero pleasant surprise naman ito because I was entrusted with a good project like Budoy

"I'm very happy with the project. I love the project.

"In fact, sabi nga ni Popoy [Caritativo, her manager], 'Baka naman masyado mo nang minamahal yung proyektong 'yan.'

"Ewan ko...makikita mo sa performance.

"Mahal ko yung show, e. And I'm really happy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa Christmas party for the press ng Luminary Talent Management sa Annabelle's restaurant kahapon, December 8.

Isa si Janice sa talents ng Luminary na pinamamahalaan ni Popoy Caritativo. Kasama niya rito sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Martin Escudero, AJ Dee, at Jestoni Alarcon.