Naging maganda raw ang 2011 para kay Rocco Nacino dahil sa mga blessing na dumating sa kanya lalo na sa kanyang showbiz career.
Ayon sa Kapuso young actor, "I'm very happy this year.
"I had two TV shows, Koreana and Time of My Life.
"Nakagawa rin ako ng indie movie, yung Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na ipinapalabas sa iba't ibang film festivals sa abroad.
"And then, kasali pa ako sa Metro Manila Film Festival entry ng OctoArts Films, ang My Househusband: Ikaw Na! with Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng PLDT WiFi Zone kahapon, Disyembre 8, sa Cerchio restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.
Kasama si Rocco—along with Sarah Lahbati, Isabel Oli, at Daiana Menezes—sa mga endorser ng naturang bagong WiFi service ng PLDT landline at myDSL subscribers.
WORKING WITH JUDAY & RYAN. Kapatid ni Judy Ann ang role na ginagampanan ni Rocco sa My Househusband.
Kumusta naman katrabaho sina Juday at Ryan?
Sabi ni Rocco, "Nakakakaba kasi first time ko silang makatrabaho at makasama sa eksena.
"Si Kuya Ryan, nakakasama ko sa Eat Bulaga! pag may guesting.
"It's a lot of fun. It's a new experience.
"Yun ang hinahanap ko lagi, e, yung new experiences.
"May konting hiyaan at first.
"Pero after the first shooting day, parang barkada na kami, e.
"Ang sarap kakulitan ni Ms. Judy Ann."
Humanga raw talaga si Rocco kay Judy Ann.
Saad ng StarStruck V Second Prince, "Nakita ko how grounded she is, kung gaano siya kabait sa mga tao, at kung gaano niya minamahal yung mga tao.
"I really admire her.
"Pag hindi siya nagte-take, nag-aaral siya ng script.
"Nakita ko how passionate siya sa lahat ng mga ginagawa niya—her acting and even sa cooking."
NEXT PROJECTS. Ano naman ang susunod niyang project sa GMA-7 pagkatapos ng Time of My Life?
"A new soap po, yung Prodigal Daughter with Kylie Padilla.
"I think by January mag-start na kami ng taping," banggit niya.
Nag-audition din daw siya para sa isang upcoming epicserye ng Kapuso network, ang Lam-Ang.
"Hopefully, kung makasama ako sa cast ng Lam-Ang, [hindi] makasabay sa taping ng Prodigal Daughter.
"Ang alam ko po, ang Lam-Ang by January din magte-taping.
"Most of the shoot, gagawin sa Ilocos, out-of-town. Kaya baka magkaroon ng conflict.
"Sana po magawan ng paraan kasi gusto ko po talagang gawin yun, e," saad ni Rocco.
May balitang isa raw siya sa pagtutuunan ng pansin ng GMA-7 next year, along with Alden Richards, Kristoffer Martin, and Derrick Monasterio.
Ano ang masasabi niya rito?
"Wow, talaga? I'm happy na marinig ko 'yan.
"Nakakatuwa na napapansin kami at nabibigyan kami ng opportunities. It's motivating.
"So, I'm looking forward to my 2012," sabi niya.
SHEENA HALILI. Bukod sa magandang career, mukhang happy rin ang lovelife ni Rocco dahil kay Sheena Halili.
Pero ayon sa young actor, hindi pa rin daw sila mag-boyfriend-girlfriend.
"Not yet, not yet. We're still there, we're still dating.
"Hopefully, we get there," nakangiting sabi ni Rocco.
May naka-ready na ba siyang Christmas gift para kay Sheena?
"May nabili na ako para sa kanya galing sa States.
"Tapos may naisip pa ako na mas effort kaysa sa regalo."
Isinusuot ba ang regalo niya?
"Secret!" tawa niya.
"Baka malaman pa niya. Surprise kasi, e.
"Basta aside from that, I'm cooking something up also.
"I'm cooking something special for someone special."
CHRISTMAS PLANS & WISHES. Nakaugalian na ni Rocco at ng kanyang pamilya na bago sumapit ang araw ng Pasko ay magsagawa ng charity work, lalo na para sa mga kabataan.
Ano ang plano niya this year?
Aniya, "For December 11 [Sunday], meron po kaming charity na gagawin para sa mga orphans.
"We have programs, games, lots of food, giveaways.
"Gusto namin iparamdam na puwedeng maging masaya ang Pasko nila.
"Tapos, pupunta rin yung mga supporters ko para tumulong din.
"Naging hilig na rin nila yung tumulong sa mga bata."
Makakasama ba niya si Sheena sa charity work na ito?
"Sana po," sambit ng binata.
"Sana wala siyang gagawin, sana wala siyang work.
"It will be extra fun if Sheena's there."
May plano na ba siya para sa araw ng Pasko?
"Stay home lang sa Christmas and celebrate kasama ang family ko.
"Siguro after Christmas, mag-a-out-of-town ako kasama ang family para makapag-relax."
E, silang dalawa ni Sheena, may plano na ba para sa Pasko?
"Hopefully, magawan ng paraan na makadalaw ako sa family niya or siya sa amin.
"Pero naiintindihan naman namin na family time talaga ang Pasko.
"So, okay lang kung kasama muna kami ng pamilya namin sa Pasko."
Ano naman ang personal wish niya?
"Good health lalo na sa family ko, siyempre sa akin din lalo na at maraming parating na trabaho.
"Sa career ko, more projects to come.
"More improvement sa acting ko, sa talent ko para mas maraming trabaho.
"And sana mas maging okay pa kami ni Sheena," pahayag ni Rocco.