Gwen Zamora on how GMA-7 is handling her career: "I felt naman that I have the support of GMA. They do take care of me. I guess they're just giving me time to breathe and learn kasi baka ayaw din nilang pag ni-launch ako, boom, parang sablay. I think they're [making] safe choices."

Photo: Glen P. Sibonga

Wala raw naging problema ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa pagtuntong niya sa bakuran ng Kapamilya network para sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan nina Box-Office King and Queen Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, ang Enteng ng Ina Mo.

Ginanap ang presscon kagabi, Disyembre 8, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Kabilang si Gwen sa cast ng Enteng ng Ina Mo na entry ng Star Cinema, M-Zet Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011 na magsisimula na sa Disyembre 25.

"I have no problem naman coming here sa ABS-CBN.

"All the people naman are so nice to me kahit na from GMA ako.

"At saka yung mga taga-Star Cinema, hindi naman nila ako pinabayaan," sabi ni Gwen nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon.

WORKING WITH AI-AI. Higit sa pagpunta sa ABS-CBN, mas na-excite nga si Gwen sa pakikipagtrabaho sa mga Kapamilya artists sa pangunguna nga ni Ai-Ai.

Kumusta naman katrabaho si Ai-Ai?

"It was so hard to keep a straight face, honestly," sabi ni Gwen.

"Kasi she was so funny. Kahit off-cam, nakakatawa talaga.

"Yung tawanan talaga, even while we're having lunch, we're all laughing.

"She is a very joyful and funny person.

"It was an honor to be with her kasi I always see her on TV, on billboards...Na-starstruck talaga ako."

May mga natutunan ba siya kay Ai-Ai in terms of acting?