Eugene Domingo appears in three MMFF entries, but each role is different: "Gusto ko rin yung magkakaiba para hindi tayo typecast. Yung may ibang napapanood sa atin parati."

Ruel J. Mendoza
Saturday, December 10, 2011 @ 10:26AM  |  5497 views

Eugene Domingo on being part of three Metro Manila Film Festival entries:

"Nakaka-overwhelm kasi nga, tatlo pala itong nagawa ko for the MMFF at puro malalaking movies talaga siya. Noong um-oo naman ako sa paggawa ng mga movies na ito, hindi pa naman official entries, e. Kaya gawa lang nang gawa. Natutuwa naman ako na marami kaming mapapasayang mga tao ngayong Christmas," she says.

 














Ayaw paawat ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo dahil sunud-sunod pa rin ang kanyang mga ginagawang mga pelikula, lalo na ngayong 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil tatlo sa mga official entries ay kasama siya.

Ang sabi ni Eugene na hindi naman daw niya inakala na makakasama ang lahat nang ginawa niyang pelikula para sa taunang MMFF.

Nagulat na lang siya na pumasa ang lahat ng mga pelikulang tinanggap niyang gawin.

"Nakaka-overwhelm kasi nga tatlo pala itong nagawa ko for the MMFF at puro malalaking movies talaga siya.

"Noong um-oo naman ako sa paggawa ng mga movies na ito, hindi pa naman official entries, e. Kaya gawa lang nang gawa.

"Natutuwa naman ako na marami kaming mapapasayang mga tao ngayong Christmas.

"Tuwing December 25 lang naman natin nararanasan na mapanood sa mga sinehan sa malls ay puro mga local films, 'di ba?

"Kumbaga, itong Pasko na ito ay para sa pamilyang Pinoy and I am so happy that I am a part of the MMFF every year dahil sa mga pelikulang ginagawa namin.

"This is our way of supporting the local film industry," diin ni Uge.

Bida si Eugene sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 13 ng Regal Entertainment na "Rain, Rain Go Away" kunsaan dinirek siya ni Chris Martinez.

Sa My Househusband... Ikaw Na! ng OctoArts Films ay siya ang "other woman" sa comedy film na ito ni Jose Javier Reyes.

At sa Enteng Ng Ina Mo ng Star Cinema at M-Zet Productions ay siya pa rin ang sidekick ni Ai-Ai delas Alas na first time na makakatambal si Vic Sotto sa isang pelikula.

Ang maganda raw sa mga roles ni Eugene sa mga MMFF entries niya ay magkakaiba silang lahat at hindi pare-pareho ang kanyang atake.

"Yun naman ang laging hanap natin sa mga film roles na pinagkakatiwala sa atin.

"Gusto ko rin yung magkakaiba para hindi tayo typecast. Yung may ibang napapanood sa atin parati.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name