Governor Vilma Santos on the relationship of her son Luis Manzano with Jennylyn Marcado: "Huwag nating pangunahan na baka ikakasal na 'yan o magbubuntis...let them enjoy the relationship."

Ruben Marasigan
Saturday, December 10, 2011 @ 10:39AM  |  30367 views

Actress and Batangas Governor Vilma Santos asks media to allow her son Luis Manzano and Jennylyn Marcado to get to know each other.

"These are two people who are enjoying their relationship now. So ibigay na natin iyon sa kanila.  Nagkataon na anak ko si Luis. Iyon lang ang masasabi ko. Bigyan muna natin sila ng leeway to let them enjoy the relationship. At huwag mag-overboard na tayo ang magdidesisyon for them," she says.

 














Naging sentro ng atensiyon ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa ginanap na grand finals ng VSR (Voices, Songs, & Rhythms) nuong Miyerkules, Disyembre 7, sa Calaca town, Batangas.

Ang nasabing event ay isa sa mga highlights ng Ala Eh Festival kaugnay ng celebration ng foundation day ng Batangas.

Naroon si Luis bilang host kasama si Ruffa Gutierrez, samantalang si Jennylyn naman, kasama sina Ogie Alcasid, Jean Garcia, at ilan pang celebrities ay mga judges naman para sa kompetisyon.

Hindi maitago ang sweetness sa isa't isa nina Luis at Jennylyn kahit pa alam nilang ang daming taong nakamasid sa kanilang dalawa nang gabing iyon.

At mukha namang masaya  si Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang anak na si Luis at girlfriend nga nito na si Jennylyn.

"Maligaya talaga ako for them," ang sabi ng Star For All Seasons sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) 

"Kasi ang unang-una naman sa akin para maging maligaya ako is to see my son happy.

"Nakita kong masaya si Lucky.  Dahil siguro pinasasaya siya ni Jen."

Bago ang ginawa ni Luis ang pag-amin na sila na nga ni Jennylyn, kinonsulta ba siya nito?

"Lagi naman kaming may konsultahan.  But 'yong pag-amin, sila lang ni Jen 'yon.

"Wala namang nalilihim sa akin when it comes to his lovelife.  Kasi andito ako to guide.

"Pero I'm not meddling.  Hindi ako nakiki-tsismis sa kanya. 

"I'm just here to guide especially...I'm very very particular sa kaligayahan ng anak ko.

"Basta ang sa akin...masaya lang siya, masaya na rin ako."

For sure lagi naman silang may communication ni Jennylyn dahil magkasundo nga sila. 

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name