Marvin Agustin happy to be a freelance actor; has no plans yet to join Kapatid network

Rey Pumaloy
Saturday, December 10, 2011 @ 01:16PM  |  129 views

Marvin Agustin's last teleserye is Iglot with GMA-7. His contract expired in August, yet he continues to do shows for the Kapuso network as a freelancer.

"Masaya pa naman ako sa GMA-7, nilalatagan pa naman nila ako ng shows. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko at kailan.  Ngayon, nagpapahinga pa ako," he says.

 

 

Photo By: Noel Orsal













Malaya nang makakagawa ng ibang acting projects si Marvin Agustin gaya ng pelikula niya na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, ang official MMFF 2011 entry na Enteng ng Ina Mo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marvin pagkatapos ng presscon proper ng nasabing pelikula nung Huwebes, sinabi ng aktor na wala na raw siyang kontrata sa GMA-7.

Ang presscon ay ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

"Wala na akong contract sa GMA," pagbabalita niya.  "Natapos siya nuong August this year."

"Even if may contract ako sa GMA, hindi naman nila pipigilan yung growth ng artista.

"Kaya naman natutuwa ako.  Tapos na yung kontrata ko pero I still do projects with them," paliwanag niya.

Mas gusto raw ni Marvin na maging freelancer kaysa maging contract star. 

"Kasi di ba nagpu-production rin naman ako ngayon? So, may mga shows rin naman ako na ipi-pitch sa kanila.

"Kaya ayan, gusto ko na rin namang magtrabaho behind the camera," saad niya.

Inuunti-unti na rin raw ni Marvin ang paglilimita ng mga acting projects niya.

"Di ba nag-concert na kami and sana next year, masimulan na namin yung concepts namin sa TV."

Umamin si Marvin na magpu-produce na siya ng TV at movies pero wala pa raw sa plano niya ang magdirek.

DIRECTING MOVIES. "Paga-aralan ko yan.  Ang pagdidirek kasi pag hinog ka na saka mo gagawin yan. Hindi yan negosyo," paliwanag niya.

Pelikula ang gustong idirehe ni Marvin kaysa sa telebisyon.

Ang paglipat o paggawa ng mga TV shows sa ibang network ay isa rin sa mga options ni Marvin ngayong freelancer siya.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name