PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marvin Agustin happy to be a freelance actor; has no plans yet to join Kapatid network

Right now, joining TV5 is not a possibility, "pero open ako," he says.
by Rey Pumaloy
Published Dec 10, 2011
Marvin Agustin's last teleserye is Iglot with GMA-7. His contract expired in August, yet he continues to do shows for the Kapuso network as a freelancer. "Masaya pa naman ako sa GMA-7, nilalatagan pa naman nila ako ng shows. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko at kailan. Ngayon, nagpapahinga pa ako," he says.

Malaya nang makakagawa ng ibang acting projects si Marvin Agustin gaya ng pelikula niya na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, ang official MMFF 2011 entry na Enteng ng Ina Mo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marvin pagkatapos ng presscon proper ng nasabing pelikula nung Huwebes, sinabi ng aktor na wala na raw siyang kontrata sa GMA-7.

Ang presscon ay ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

"Wala na akong contract sa GMA," pagbabalita niya. "Natapos siya nuong August this year."

"Even if may contract ako sa GMA, hindi naman nila pipigilan yung growth ng artista.

"Kaya naman natutuwa ako. Tapos na yung kontrata ko pero I still do projects with them," paliwanag niya.

Mas gusto raw ni Marvin na maging freelancer kaysa maging contract star.

"Kasi di ba nagpu-production rin naman ako ngayon? So, may mga shows rin naman ako na ipi-pitch sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ayan, gusto ko na rin namang magtrabaho behind the camera," saad niya.

Inuunti-unti na rin raw ni Marvin ang paglilimita ng mga acting projects niya.

"Di ba nag-concert na kami and sana next year, masimulan na namin yung concepts namin sa TV."

Umamin si Marvin na magpu-produce na siya ng TV at movies pero wala pa raw sa plano niya ang magdirek.

DIRECTING MOVIES. "Paga-aralan ko yan. Ang pagdidirek kasi pag hinog ka na saka mo gagawin yan. Hindi yan negosyo," paliwanag niya.

Pelikula ang gustong idirehe ni Marvin kaysa sa telebisyon.

Ang paglipat o paggawa ng mga TV shows sa ibang network ay isa rin sa mga options ni Marvin ngayong freelancer siya.

"There's a possibility na may gagawin akong mga shows sa ibang channel."

Ang paglipat sa TV5 ay hindi raw posibilidad.

"Wala pang ganyan," paglilinaw niya. "Pero open ako."

"Masaya pa naman ako sa GMA-7, nilalatagan pa naman nila ako ng shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko at kailan. Ngayon, nagpapahinga pa ako."

Ang Iglot ang huling serye ni Marvin sa GMA-7.

"Meron na silang ino-offer na bago," pagbabalita niya sa napipintong paggawa niya ng show uli sa Kapuso network.

Walang naramdamang panghihinayang si Marvin sa maagang pagwawakas sa telebisyon ng Iglot.

"Well, nagkausap na naman kami [GMA7], na-i-shorten lang naman siya ng a couple of weeks. Hindi naman ganun kahaba yung pagkakaikli," sabi niya.

WHY HE NEVER MADE IT TO JOLINA'S WEDDING. Hindi dumating si Marvin sa kasal ng dati niyang kasintahan at ka-love team na si Jolina Magdangal sa band player na si Mark Escueta.

"I was trapped in Cebu dahil nag-open kami ng Sumo-Sam sa Cebu.

"Hindi ako naka-alis...dahil nagkaroon kami ng konting problema.

"But I was able to talk to her [Jolina]," paliwanag ni Marvin.

Hindi naman raw sa dinedma ni Marvin ang kasal ng kaibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pabalik na ako. May mga local partners kami [sa Cebu] pero hindi ko sila maiwan. Alam mo na, may konting inayos."

Sinabi ni Jolina sa aming interview sa kanya na Black Eyed Peas concert tickets lang daw ang ibinigay ni Marvin sa kanila ng mister niya bilang wedding gifts.

Paglilinaw naman ni Marvin hindi raw ito wedding gift.

"Hindi pa gift pa yun. Wala pa yun. Ano pa lang yun...kasi nag-concert ang [Black Eyes Peas] nung kasalukuyang nagti-taping kami ng Iglot.

"Kasama ko si Jolina sa Iglot. Sabi ko, nuod kayong dalawa para ma-enjoy ninyo," kuwento pa ni Marvin.

"Meron pa akong gift sa kanila," sigurado niyang sabi.

FAMILY MAN. Matagal nang tanong kay Marvin kung kailan siya bubuo ng sarili niyang pamilya, lalo't ang mga babaeng nagkaroon ng puwesto sa puso niya ay kasal na.

Pinagdududahang baka takot lang sa commitment si Marvin o di kaya ay iwas siyang maihati ang pinaghirapan niyang yaman sa babaeng makakasama niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman ako takot sa ganyan dahil wala naman akong kayamanan," ang sabi ni Marvin.

"Ang sa akin lang, masyado rin siguro akong masaya...I get into relationships pero yung marriage hindi naman minamadali yan.

"Minsan dumarating yan sa buhay ng isang tao.

"Hindi naman porke, kinakasal na sila, tayo dapat ikasal na rin," nakangiti niyang paliwanag.

ON PIOLO AND KC. Naging parehong kaibigan ni Marvin sina Piolo Pascual at KC Concepcion kaya naman hindi rin raw siya makapaniwala sa naging wakas ng relasyon ng dalawa.

"Ahmm, parang kahit saan tignan...nagkaroon talaga ng problema.

"And I think, we're just here for them [until] they [can] patch things up.

"Sana...well I guess it's a relationship e.

"Nasa labas tayong lahat, sila lang ang nakakakita. It's really hard to comment on anything.

"Walang masabi si Marvin sa gender issue ni Piolo at sa mga nagsusulputang mga male actors na nali-link sa kaibigan.

"Well, that's their lives. We have our own lives to deal with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sa kanila...hirap!"

Nagkaroon rin nang gender issue si Marvin at nalagpasan niya ito.

Nagkaroon ng anak si Piolo pero hindi pa rin mawala-wala ang pagdududa sa kanyang pagkalalake.

Samantala, nagkaroon rin ng anak si Marvin pero tumigil na ang gender issue sa kanya.

Ano bang dapat gawin ni Piolo para matigil na ang intrigang ito sa kanya?

"Mahirap magsalita e. Mahirap magsalita or mag-comment on anything. Basta," iwas na pahayag ni Marvin.

ON MO AND RHIAN. Gulat naman si Marvin sa isyu kina DJ Mo at Rhian Ramos partikular na ang alleged "abortion" scandal sa young actress.

"Naging magkaibigan kami ni Rhian, nag- La Lola kaming dalawa sa GMA-7.

"Yan isa pa ring magulo. Ang daming humahabol sa top story of the year.

"Yung kay Rhian naman at kay Mo...well, I both know them... lalabas [din] ang katotohanan.

"Yun lang naman ang kinakailangan ng dalawang kampo e. It's not even Mo or Rhian. It's each other's camp e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta, sana maresolve itong issue na ito," sabi niya.

Bagamat, marami ring minahal si Marvin hindi siya nagkaroon ng fatal attraction sa kahit na sino.

"Yan ang masarap pag medyo relax ang buhay and you just work," nakangiti niyang sabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marvin Agustin's last teleserye is Iglot with GMA-7. His contract expired in August, yet he continues to do shows for the Kapuso network as a freelancer. "Masaya pa naman ako sa GMA-7, nilalatagan pa naman nila ako ng shows. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko at kailan. Ngayon, nagpapahinga pa ako," he says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results