Isa sa mga naging judge si Ogie Alcasid ng VSR (Voices, Songs, & Rhythms) grand finals nuong Disyembre 7.
Isa itong singing contest na binuo ni Batangas Governor Vilma Santos noong Mayor siya ng Lipa City, na ngayon ay isa na sa mga highlights ng taunang Ala Eh Festival na ginaganap tuwing foundation day ng lalawigan.
Habang nasa holding area si Ogie kasama ang iba pang celebrities doon sa munisipyo ng Calaca na siyang host town ng nabanggit na event for this year, nagkaroon ng chance ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan siya.
Tungkol sa kapapanganak pa lang na baby nila ni Regine Velasquez ang unang naging paksa ng usapan.
"Gano'n pa rin...puyatan pa rin lagi siyempre," natatawang kuwento ni Ogie. "Dahil...halos four times gumigising 'yong bata kapag madaling araw.
"E since nagtatrabaho ako, sasabihin ni misis [Regine]...sige matulog ka muna.
"Oo. Full-time mom si Regine.
"May nurse lang kami ngayon kasi caesarian si Regine, e. Pero siyempre, habambuhay na naming gagampanan 'yong pagiging hands-on sa bata.
"Nag-one month na 'yong baby namin nitong December 8. Nakakatawa 'yong iyak niya.
"Malambing kasi 'yong iyak niya. Hindi 'yong iyak na nakakainis, e."
Iyak din ba ng isang future singer?
"Oo, e. Dahil 'yong dulo mataas, e. Mataas 'yong pitch."
Totoo bang pila na ang mga nag-aalok ng possible endorsements para sa baby nila ni Regine?
"E...meron. Pero hindi pa namin kinakausap dahil mas mahalaga munang...siyempre hindi pa nababakunahan nang todo. One month pa lang, e."
CHRISTENING. Kailan ang binyag?




0

