news

Janelle Manahan recalls asking Ramgen's sister, Ramona Bautista, to get help: "Iniisip ko na ise-save na rin talaga ako, kaso wala nga pong dumating."

by Glen P. Sibonga posted on December 10, 2011  STATS: 63441 Views | 27 Comments

In an emotional interview with ABS-CBN News anchor Korina Sanchez on December 9, Janelle Manahan expressed dismay and astonishment when she found out that Ramona "Mara" Bautista had a different version of what happened that fateful night.

Janelle also had this message for Genelyn Magsaysay, mother of her slain boyfriend, Ramgen Revilla: "Kailangan ko lang talaga ilabas kung ano 'yung totoo para matulungan 'yung paghahanap sa justice, pero ayoko silang sirain, 'yung family nila o saktan siya."

 

Photo By: File Photo

Emosyonal na humarap sa camera si Janelle Manahan, nobya ng napaslang na aktor na si Ramgen Revilla, para sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN News anchor Korina Sanchez.

Dito ay inamin ni Janelle ang hinanakit niya sa pamilya ni Ramgen partikular sa kapatid nitong si Ramona "Mara" Bautista.

Hindi pa matukoy ang kinaroroonan ngayon ni Ramona matapos itong umalis ng bansa noong Nobyembre 4 patungong Hong Kong at Turkey.

JANELLE'S CONDITION. Narito ang naging pag-uusap nina Korina at Janelle, na ipinalabas sa primetime news program ng ABS-CBN, ang TV Patrol, kagabi, Disyembre 9.

Una ngang kinumusta ni Korina ang kondisyon ngayon ni Janelle matapos itong lumabas sa ospital.

Mahigit isang buwan na ang nakaraan nang sumailalim sa sampung oras na operasyon ang dalaga noong November 7 para maisaayos ang facial fractures na dulot ng tama ng bala sa ilalim ng kaliwang mata niya at tumagos sa kanang panga.

May tama rin siya ng bala sa kanang balikat.

Korina: "Janelle, magandang hapon sa iyo. Kumusta na ang therapy mo? Hindi ka ba nahihirapang magsalita?"

Janelle: "Okay na po 'yung pananalita. Mas more 'yung pain dito
[kanang panga], so hindi ko po puwedeng i-open masyado 'yung mouth ko."

Korina: "Bakit ka naka-sling ngayon?"

Janelle: "Meron po siyang fracture dito [sa kanang balikat]. Dito po
'yung gunshot, so nu'ng lumabas siya dito, parang nabali po 'ata 'yung
buto."

Korina: "Pero mukha ang tinamaan, meron kang kaunting pekas sa ilalim ng kaliwa mong mata."

GENELYN MAGSAYSAY. Sumunod na itinanong ni Korina ang tungkol sa ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay.

Sa isang interview kasi ay may pakiusap si Genelyn kay Janelle na, "Sana makapag-isip-isip ka pa.

"Tignan mo yung both sides. Huwag mong idiin kami ng aking mga anak."

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  hooney

    12/14/2011 | 09:01 AM
    kahit anu pa ang intensyon dito ang mahalaga ay nagsasabi ng totoo ang nag iisa at pinakamahalaga na testigo, si Janelle, at wala siyang dhailan para magsinungaling, biruin mo nasira ang mukha at buhay niay dahil lang sa pangyayaring ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  pepgirl

    12/12/2011 | 02:22 AM
    Ang sama mo naman LosAngeles. Namatayan na for fame pa? Hindi naman yata tama yang sinasabi mo. O baka ikaw si Gennylyn, ikaw yung nanay ni ramgen no? O baka ikaw si Ramona? Umamin ka! hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  ClawClown

    12/11/2011 | 10:49 PM
    Sa bahay nina Ramgen sa BF Homes, may tao na uli. May isang kwarto na nakabukas ang mga bintana, nakatanggal pa ang aircon. Kung doon naganap ang krimen, nakuhanan kaya ng mga ebidensiya kasi sa ngayon parang inaayos na ang kwarto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  bac_tol

    12/11/2011 | 09:00 PM
    Ano na bang nangyari sa kasong ito? Puro na lang press release. May forensic evidence ba bukod sa mga affidavits ng mga suspects at witnesses? Si Gail, Hiro at Ragene ba nainterview na ng mga pulis? Kasama sila sa affidavit ni Ramona di ba? Dapat tanungin din sila kung bakit hindi sila sumaklolo kay Ramgen at Janelle at kung bakit nakiayon sila sa kidnapping pralala ni Ramona.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  sweetum

    12/11/2011 | 05:41 PM
    you know what? they just put or give an idea to your head that the sibling rift was the cause of Ramgens death, pero siguro kung di sinabi sayo to, u wont implicate the siblings kasi sabi mo nga nagulat ka. Bakit ngayon di pa nakukuha ang gunman at walang fingerprint?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  sweetum

    12/11/2011 | 03:40 PM
    I think shes the real target of the killer, kasi sya ang unang pinaputukan, nadamay lang si Ramgen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  hurtlocker

    12/11/2011 | 12:47 PM
    ang hirap sa iba dito may namatay na nga tapos yung nag iisang witness sa crime sinisiraab pa ng iba dito lalo na si LosAngeles. Doing the right thing is not always popular.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  adoboworld

    12/11/2011 | 11:35 AM
    Bakit puro yong mga killer ang hinihingan ng testimonya natural magsisinungaling ang mga yon para ma abswelto sila. At hindi rin natin alam kung magkasundo si Janelle at ang family ni Ram. Baka hindi sila boto kay Janelle kasi live in na sila ni Ram. Baka ayaw din ni Janelle ang pagtulong ni Ram sa pamilya nya. Gusto nya sya lang. We never can tell at biased ang pag-imbestiga ng Paranque police. Hindi manlang powder burns ang mga suspects at bakit hindi sinama as suspect ang PA? Nakakapagtaka na rin ng 4 na pamilya ang sinasangkot. At kung tatawagin ni Janelle na schizhophenic ang Nanay ni Ram ibig sabihin hindi sila magkasundo kung ganoon na negative ang impression nya sa nanay ni Ram.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  MarkLapid

    12/11/2011 | 09:59 AM
    Ang problema sa kapulisan natin ay ang kakulangan sa law enforcement, saka experience at training para mahandle ng tama ang pag imbestiga ng krimen. Dapat mag undergo ng international training at mag-aral ulit para tumaas ang kalidad ng experience. Ang kupad ng kilos nila at puro press release. Nasaan na yong Bryan, nakatakas na? Kawawa naman ang mga biktima, si Janelle muntik na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  popstar

    12/11/2011 | 05:34 AM
    LosAngeles, as long as the case has not been resolved, as the prime witness she will be in the news. She will have to talk and she will be talked about. This is not her choice, however. And just because Ramgen's family doesn't care does not mean all will be forgotten. Remember that she herself is a victim. And her family cares.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  knightkrawlers0

    12/11/2011 | 05:02 AM
    los angeles sana di mangyari sayo mga nangyari sa kanila ni ram
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  knightkrawlers0

    12/11/2011 | 04:56 AM
    shu t up los angeles
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  knightkrawlers0

    12/11/2011 | 04:55 AM
    sh ut up los angeles!!! sana di ka mamatayan ng lover at sana di ka rin mabaril
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  triplikeyoudo

    12/11/2011 | 04:38 AM
    you can tell she's telling the truth because everytime she gets interviewed, consistent ang mga sagot niya. stay strong Janelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  LosAngeles

    12/11/2011 | 02:37 AM
    Janelle tama na interview mo pls its sad to say old news na. even his own family doesnt care. sto using him for your 5 min fame.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  shidax

    12/11/2011 | 01:33 AM
    janelle masaktan o magalit sila sa iyo kailangan talaga yun dahil kahit bali-baliktarin man ang mga sitwasyon may kinalaman ang mga kapatid ni ramgen sa pagkamatay niya.NO need na makipag-usap ka sa kanila baka bilugin lang nila ang ulo mo.nagawa nga nilang kunin ang buhay ng mismong kadugo nila iyan pa kayang magpakaawa o ilihis ang totoong pangyayari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  sexydulce

    12/11/2011 | 01:28 AM
    God has a purpose kaya He did not allow Janelle to die. Kaya hang on there, Janelle. Just keep on praying... Good always triumphs over evil!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sexydulce

    12/11/2011 | 01:28 AM
    God has a purpose kaya He did not allow Janelle to die. Kaya hang on there, Janelle. Just keep on praying...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    12/11/2011 | 12:23 AM
    Pagpinapanood ko yun taped video message ni Ramona, sobrang natatawa tlga ako. Super laugh trip. Napaka obvious kase na nagsisinungaling, un movements ng face, ng eyes haha kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aling_nena

    12/11/2011 | 12:04 AM
    ang ganda ng mga sagot niya kasi nakikita mo may malasakit pa rin siya sa pamilya ni Ramgen. hindi lang siya basta basta nag-aakusa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About