Nang pumutok ang balita na nasa ICU (intensive-care unit) at mahina na raw ang Comedy King na si Dolphy Quizon, naalarma at lubos na nabahala ang showbiz industry.
Nanatiling tahimik si Zsa-Zsa Padilla, live-in partner ng Comedy King sa tuwing tatanungin siya tungkol dito.
Samantalanang sa mga interviews naman ng mga anak na si Direk Eric Quizon at Vandolph ay nandun ang paninigurong nasa maayos na kalagayan na ang ama kahit patuloy ang paglabas ng mga balita na mahina na talaga ang komedyante.
Nang maka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zia Quizon, panganay na anak nila Dolphy at Zsa-Zsa, agad naming kinumusta dito ang ama.
“He’s doing well, he just got home.
"Yun nga lang he’s taking it easy kasi during the holidays talaga gusto niyang mag-enjoy na kasama niya ang pamilya niya so we are all spending a lot of time with him.
"Mas naeenganyo siya, mas bumubuti ang health niya when we're around him especially during Christmas time.
"He’s okay naman, he’s home and we’re just glad he’s OK now.”
Nagpapasalamat at na-appreciate ni Zia ang concern ng ibang tao sa kalagayan ng ama pero nandun din ang paghingi ng pang-unawa na hindi na rin talaga bata ang Comedy King.
“Ganun talaga ang buhay. He is 83 naman so maintindihan naman sana ng mga tao na malakas na siya for 83.
"Yun nga lang he’s not as strong as he used to be.
"Pag nakikita mo siya sa Cinema One or sa mga [old] movies niya, talagang iba na siya kasi nasa mga 20s or 30s, lang siya nun.
"He looked the same nga from 50 years old onwards so people are used to seeing him like that kasi nga hindi na siya masyadong gumagawa ng movies.”
TRIP TO AUSTRALIA. Ayon kay Zia sa ngayon ay pahinga na lang muna ang ama sa pagtatrabaho.
Silang dalawa lang din ng inang si Zsa-Zsa Padilla ang aalis ng bansa para dalawin naman ang kapatid niyang si Nicole na nasa Australia.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 kapapusotid
6 xxxjmb2
5 milomilo123
4 rhapsody123
3 sosingmasa
2 daffodils87
1 prettyasian