PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zia Quizon gives update on Dolphy's health: "He’s doing well, he just got home."

Zia and mom Zsa-Zsa Padilla are traveling to Australia to attend her sister Nicole's graduation.
by Melba R. Llanera
Published Dec 11, 2011
Nagpapasalamat at na-appreciate ni Zia Quizon ang concern ng ibang tao sa kalagayan ng ama niyang si Dolphy, pero nandun din ang paghingi ng pangunawa na hindi na rin talaga bata ang Comedy King. "Ganun talaga ang buhay. He is 83 naman so maintindihan naman sana ng mga tao na malakas na siya for 83. Yun nga lang he's not as strong as he used to be," Zia says.


Nang pumutok ang balita na nasa ICU (intensive-care unit) at mahina na raw ang Comedy King na si Dolphy Quizon, naalarma at lubos na nabahala ang showbiz industry.

Nanatiling tahimik si Zsa-Zsa Padilla, live-in partner ng Comedy King sa tuwing tatanungin siya tungkol dito.

Samantalanang sa mga interviews naman ng mga anak na si Direk Eric Quizon at Vandolph ay nandun ang paninigurong nasa maayos na kalagayan na ang ama kahit patuloy ang paglabas ng mga balita na mahina na talaga ang komedyante.

Nang maka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zia Quizon, panganay na anak nila Dolphy at Zsa-Zsa, agad naming kinumusta dito ang ama.

“He’s doing well, he just got home.

"Yun nga lang he’s taking it easy kasi during the holidays talaga gusto niyang mag-enjoy na kasama niya ang pamilya niya so we are all spending a lot of time with him.

"Mas naeenganyo siya, mas bumubuti ang health niya when we're around him especially during Christmas time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He’s okay naman, he’s home and we’re just glad he’s OK now.”

Nagpapasalamat at na-appreciate ni Zia ang concern ng ibang tao sa kalagayan ng ama pero nandun din ang paghingi ng pang-unawa na hindi na rin talaga bata ang Comedy King.

“Ganun talaga ang buhay. He is 83 naman so maintindihan naman sana ng mga tao na malakas na siya for 83.

"Yun nga lang he’s not as strong as he used to be.

"Pag nakikita mo siya sa Cinema One or sa mga [old] movies niya, talagang iba na siya kasi nasa mga 20s or 30s, lang siya nun.

"He looked the same nga from 50 years old onwards so people are used to seeing him like that kasi nga hindi na siya masyadong gumagawa ng movies.”

TRIP TO AUSTRALIA. Ayon kay Zia sa ngayon ay pahinga na lang muna ang ama sa pagtatrabaho.

Silang dalawa lang din ng inang si Zsa-Zsa Padilla ang aalis ng bansa para dalawin naman ang kapatid niyang si Nicole na nasa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Right now, he is just taking it easy muna.

"We’re just seeing how things are going and kung gusto niya [sumama] and right now, he’s just spending a lot of time with mga anak niya and kapamilya niya sa Christmas time.”

“Kami lang ng Mommy ko ang aalis, we’re gonna visit ‘yung Ate ko sa Australia kasi ga-graduate na siya.

We’re just gonna visit her on her graduation tapos balik agad dito.”

SINGING. Sa ngayon ay gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan sa music industry si Zia.

Balitang nasa Top 10 sa mga radio stations ang kantang nakapaloob sa self-titled album niyang Zia.

Masaya ang dalaga sa pagtanggap sa kanya ng publiko lalo’t very proud sa kanya ang mga magulang na nakakabuo na siya ng sariling identity sa show business.

“Firstly, nakakataba talaga ng puso kasi it was very important for me to be myself.

"Hindi ako sigurado kung matatangap agad-agad ng publiko ang pagkatao ko, [lalo na] ang music ko, so I’m really glad people are accepting it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I’m really thankful na kahit iba siya, people like it.

“Yeah they are so proud of me kasi medyo they’re not working as much nowadays so talagang they’re happy na parang I know what I will do for the rest of my life.

"Parang may peace of mind na sila na okay, ito ‘yung magiging kapalaran ko in life.”

ACTING. Kilalang mahuhusay na artista sina Dolphy at Zsa-Zsa. May plano rin ba si Zia na subukin ang pag-arte at isabay ito sa singing career niya?

“Wala akong talent sa acting.

"Okay lang sa singing kasi sa singing mahilig talaga ako and at least one lang sa parents ko ang award-winning.

"E pag sa acting, pareho silang award-winning.

"Masyado ‘yung pressure from both sides.

“Sa singing naman, hopefully tuloy-tuloy na if people will still accept what I sing, pero kung ayaw talaga nila, okay lang.”

Reluctant nuong una si Zia pasukin ang showbiz. Sa ngayon kahit papaano ay nakakapag-adjust na rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo mas nakakapag-adjust na ako, ‘yun nga lang mahiyain talaga ako kaya medyo mahirap to come out of my shell.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpapasalamat at na-appreciate ni Zia Quizon ang concern ng ibang tao sa kalagayan ng ama niyang si Dolphy, pero nandun din ang paghingi ng pangunawa na hindi na rin talaga bata ang Comedy King. "Ganun talaga ang buhay. He is 83 naman so maintindihan naman sana ng mga tao na malakas na siya for 83. Yun nga lang he's not as strong as he used to be," Zia says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results