PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo Pascual opens exhibit of his travel photos and paintings by a foundation scholar; keeps mum on breakup with KC Concepcion

Piolo's son Iñigo sent a recorded audio greeting on the actor's new photo and painting exhibit.
by Rommel R. Llanes
Published Dec 11, 2011
Actor-singer and movie producer Piolo Pascual opened an exhibit featuring his travel photos and paintings done by one of his foundation scholars on December 10. When asked how he is, the actor replied: "I'm okay naman. Eto, tatakbo na 'ko. Gusto niyong sumama?" Clearly, the interview had ended. He thanked the press and started to leave.

Hanggang ngayo'y tikom pa rin ang bibig ni Piolo Pascual tungkol sa paglalahad na ginawa ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion kay Boy Abunda sa The Buzz (CLICK HERE to read related story) tungkol sa hindi magandang kinauwian ng kanilang relasyon.

Kahit na nagbigay na ng kanyang maikling pahayag ang 34-year-old na aktor (CLICK HERE to read related story), marami pa rin ang gustong makarinig ng tunay na dahilan ng kanilang breakup, kung di man mula kay KC ay kay Piolo mismo.

Sa ginanap na SunPIOLOgy 2012 Panoramic Portals exhibit launch and Sunset Run sa Sun Life Centre sa Taguig City kahapon, December 10, naging maingat sa pagtatanong ang mga kumapanayam na reporter kay Piolo.

Nasaksihan na kasi kung paanong mabilis na tumatalilis si Piolo sa kahit na kaunting pasakalye man lang na hahantong sa pagtatanong tungkol sa breakup nila ni KC.

Kaya't mga tanong muna tungkol sa bagong SunPIOLOgy collection at sa event ng Sun Life ang pinag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT JUST PHOTOS NOW. Katulad ng mga nakaraang taon mula pa nung 2009, partnership muli ng nabanggit na life insurance company at ng Hebreo Foundation ni Piolo ang SunPIOLOgy collection.

Ngunit kung noon ay puro mga litrato ng landscapes na kuha ni Piolo mula sa iba't ibang lugar na pinuntahan niya ang nilalaman ng koleksyon, ngayon ay may kasama na ritong paintings.

Mga likha ng scholar ng Hebreo na si Omar Flores ang kasama sa collection.

Ang subject ng paintings ay si Piolo mismo, na in-interpret ni Omar gamit ang iba't ibang istilo ng painting at magkakaiba ring mga materyales.

Banaag ang excitement sa mukha ng aktor habang ikinukuwento ang tungkol sa SunPIOLOgy 2012 collection.

"It's exciting because it's a different theme.

"This time it's called 'Panoramic Portals.' So, with Omar, sa kanya paintings, sa akin, photographs," ani Piolo.

Sa pamamagitan ng online bidding, ang kikitain mula sa pagkakabili ng mga paintings ni Omar at travel photographs ni Piolo ay mapupunta sa mga batang pinag-aaral ng Herbreo Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUNNING UNTIL HIS BIRTHDAY. Tinaguriang "Bid-2-Give," maaaring makipag-bid para sa paintings at photos sa www.sunpiology.com.

Kasabay ng binuksang exhibit ng paintings at photographs ng SunPIOLOgy 2012 sa Sun Life Center sa Bonifacio Global City, Taguig City, tatakbo ang online bidding hanggang sa birthday ng aktor sa January 12, 2012.

Sa unveiling na ginawa bago ang interview kay Piolo, kabilang sa mga nagsalita at nagpahatid ng pagbati ay ang kanyang anak na si Iñigo, sa pamamagitan ng audio recording.

PROUD OF HIS DAD. Ani Iñigo, proud na proud siya sa pagiging anak ni Piolo at nagpapasalamat sa todong pagsuporta nito sa kanya, kahit na hindi sila laging magkasama.

Inspirasyon daw sa kanya ang kanyang ama, na laging may ngiti kahit na may problema.

Hanga raw siya sa lakas at tibay ng loob nito na dinadaan na lang sa tawa ang mga pagsubok na hinaharap sa buhay at career, at laging hindi nakakalimot na tumawag sa Panginoon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa malas naman, hindi masyadong narinig ni Piolo ang audio greeting ni Iñigo sa kanya, noong unveiling ng exhibit.

"Hindi ko narinig. Pero we were on the phone kanina and he just came from a run also.

"There was a run in his school, sa L.A., so, nakakatuwa, because almost the same time kami tatakbo.

"He's into the same sport," may pagmamalaking pahayag ni Piolo tungkol sa anak.

SPENDING CHRISTMAS HERE. Tinanong din si Piolo kung saan siya mag-i-spend ng Pasko.

"We're spending it here. Dito lang. Some of my nieces and nephews have arrived from the States, and my sister is arriving next week.

"So, magkakasama kami rito. Even my mom's here since last month.

"And magkakasama ang buong family dito sa Pilipinas," sagot ng aktor-singer at movie producer.

Simple at tradisyonal lang daw ang pagse-celebrate na ginagawa nila ng kanyang pamilya tuwing Pasko.

"Christmas dinner, Noche Buena. Kung sino'ng matoka, because I have five siblings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kung sino'ng matoka na maa-accommodate kami.

"Then after Christmas, siyempre, may kani-kanyang pamilya rin. We usually go out of town...

"But this year, we decided na dito kami sa Pilipinas.

"So, lahat ng pamilya ko, yung mga bata, and my mom, we're going out of town this Christmas," pahayag ni Piolo.

CHRISTMAS WISH. Ano naman ang Christmas wish niya?

"Ang gusto ko lang sana wala nang masyadong pahirap sa mga community because kahit na resilient tayo, mahirap pa rin na kahit holidays, may mga bagyo, may mga kalamidad na nangyayari. Hindi natin makontrol.

"So, I just pray na hindi maging ganung kagrabe para at least magkaroon ng mas magandang Pasko ang mga kababayan natin."

ENDING THE INTERVIEW. Nang may magsingit na ng tanong patungkol sa kalagayan niya ngayon, ngiti at birong-totoo ang isinagot nito.

"I'm okay naman. Eto, tatakbo na 'ko. Gusto niyong sumama?"

Tumawa pagkatapos si Piolo, sabay paalam at pasasalamat sa press, hudyat ng pagtatapos na ng interview sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-singer and movie producer Piolo Pascual opened an exhibit featuring his travel photos and paintings done by one of his foundation scholars on December 10. When asked how he is, the actor replied: "I'm okay naman. Eto, tatakbo na 'ko. Gusto niyong sumama?" Clearly, the interview had ended. He thanked the press and started to leave.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results