Annabelle Rama on Nadia Montengero's accusations: "Hindi ko talaga matatanggap na ako na nga ang tumulong, ako pang naging masama, ako pang naging bugaw."

Glen P. Sibonga
Monday, December 12, 2011 @ 12:30PM  |  131597 views

 

Annabelle Rama's message to Nadia Montenegro: "Nadia, alam mo, ang Santo Niño hindi natutulog. Nandiyan ang karma, makakarma ka rin. Kasi ginagamit mo pagpunta ko sa Cebu, nagbubugaw ako. Pupunta akong Cebu kasama ka, mga anak mo. Nagsisimba tayo sa Santo Nino, kaya huwag kang magsinungaling. Karmahin ka rin Nadia!"

Photo By: Mark Angelo Ching













Live na humarap ang talent manager na si Annabelle Rama sa Showbiz Central kahapon, Disyembre 11, para sa isang exclusive interview kay Pia Guanio.

Nagpaliwanag si Annabelle kung bakit siya naging emosyunal at nagsisigaw sa nangyaring paghaharap nila ni Nadia Montenegro noong Disyembre 6 sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama ang kani-kanilang mga abugado, nagharap sila sa unang pagkakataon sa loob ng office ng piskal na si Liezel Aquiatan-Morales matapos maghain ni Nadia ng mga kasong child abuse, oral defamation, falsification of documents, at libel laban kay Annabelle.

Si Annabelle ang talent manager ng mga menor de edad na anak ni Nadia na sina Alyanna at Annyka.

Sa video na nakunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mapapanood ang isang galit na Annabelle habang sinisigawan ang mga umiiyak na sina Alyanna at Annyka. (CLICK HERE to watch video.)

Sigaw ni Annabelle: "Alyanna, huwag kang umiyak! You tell the truth! Tell the truth! Mga sinungaling, bastos!"

Pagkatapos ay nanggagalaiti sa galit na nagpa-interview si Annabelle sa media kung saan tinawag niyang "sinungaling," "mukhang pera," at "tanga" si Nadia.

(CLICK HERE to read related story.)

ANNABELLE EXPLAINS. Ayon kay Pia, nakita ng lahat kung ano ang nangyari sa paghaharap nina Nadia at Annabelle, pero hindi raw alam ng mga tao kung bakit nagalit si Annabelle noong araw na iyon.

Paliwang ni Annabelle, "Alam mo, bago pumunta ng court, nasa ano ako, sa Sulo Hotel.

"May nagte-text na sa akin na, 'Huwag ka nang pumunta, useless yun.' Sabing ganun sa akin.

"'Kasi tapos na ang laban, talo ka na diyan,' sabing ganun.

"'Yung pagpa-file mo ng mga counter-counter [affidavit], balewala iyan.'

"Hindi ako naniniwala kasi feeling ko, galing kay Nadia yun kasi ayaw niya akong pumunta...siguro ayaw niya akong humarap sa kanya.

"Pero sabi ko naman...punta pa rin ako kaya pumunta pa rin ako sa ano [piskalya]."

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  Next »

Related Articles

78 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name