Alden Richards on positive reviews for his performance in The Road: "Masyado pa naman pong maaga para mag-expect tayo [ng nominations]. For now, I am happy for the good reviews. Nababasa ko nga po over the Internet ang ilang reviews ng mga critics at nakakataba ng puso. Doon pa lang po, masayang-masaya na ako."

Photo: Noel Orsal

Sunud-sunod ang magagandang reviews na natatanggap ng young actor na si Alden Richards dahil sa performance niya sa suspense-thriller film na The Road.

Hindi inaasahan ng Kapuso young actor na aani siya ng mga papuri dahil sa kanyang role bilang isang psychotic killer sa GMA Films movie na ito.

Nagpapasalamat siya sa kanilang director na si Yam Laranas dahil sa pag-guide nito sa kanya habang sinu-shoot nila ang mga mabibigat na eksena niya.

Inamin ni Alden na nahirapan siya sa ilang mga eksena sa The Road dahil halos wala siyang dialogue at puro facial expressions lang ang ginamit niya.

Sabi ng Kapuso young actor, "Most of my scenes ay kailangan na parang wala akong nararamdaman. Yung deadpan ang expression ng mukha ko.

"In-explain sa akin ni Direk Yam na kailangan lumabas na balewala sa akin yung nakikita kong pinapatay ko yung biktima ko.

"Parang nangyayari iyon na normal sa buhay ko.

"Nakinig ako nang husto kay Direk Yam and he let me do some of my acting, huwag lang ako lalayo sa character ko.

"Kaya noong mapanood ko sa big screen yung ginawa namin, kahit ako nagulat sa mga ginawa ko.

"Hindi ako makapaniwala na ako iyong umaarte ng gano'n."

Nakusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa GMA Christmas party for the press last December 7 sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

POSSIBLE NOMINATIONS. Marami ang nagsasabi na puwedeng makakuha ng acting nomination next year si Alden para sa performance niya sa The Road.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Marami pong salamat! Magdilang-anghel po sana yung mga nagsabi no'n," ngiti ni Alden.

"Masyado pa naman pong maaga para mag-expect tayo.