Sa bihirang pagkakataon, magkasabay na sumalang ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa lie-detector test para sa "Don't Lie To Me Reloaded" segment ng Showbiz Central kahapon, Disyembre 11.
Magkasamang hinarap ng showbiz couple ang mga maiintrigang katanungan ng host na si John "Sweet" Lapus kaugnay pa rin ng promosyon ng pelikula nilang My Househusband: Ikaw Na!, na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival 2011.
Bago ang tanungan, nagbigay pa ng trivia si Sweet na si Ryan daw ang kauna-unahang celebrity na sumalang sa "Don't Lie To Me.
Ngayon nga ay nagbabalik ang TV host-actor kasama ang misis na si Juday.
Unang tanong: Totoo ba na mas selosa si Juday kaysa kay Ryan?
Sagot ni Juday: "Hindi."
Sagot ni Ryan: "Yes."
Dahil magkaiba ang kanilang sagot, ang resulta ng lie detector: LIE ang sagot ni Juday habang TRUTH naman ang sagot ni Ryan.
Dinepensahan naman ni Ryan ang kanyang misis.
Aniya, "Mas madalas siyang magselos.
"Actually, ako yung mas seloso, pero mas madalas siyang magselos kasi sinasadya ko talaga minsang alam mo na...mang-ano lang."
Tinanong naman ni Sweet si Juday kung saang mga pagkakataon ba siya nagseselos—kung aalis si Ryan ng gabi na o may mga kasamang barkada o umuuwi ng madaling-araw?
"Sinungaling naman itong makina mo. Ano bang ngayayari diyan?
"Kasi sa pagkakaalam ko, tama ang isinagot ko, e. Hindi ako aamin!" nagtataray na biro ni Juday.
Bakit sa tingin mo hindi ka nagseselos kay Ryan?




0

