[x]

Ramgen Revilla (left) died at age 22 while AJ Perez (right) passed away at age 18. Ramgen was allegedly murdered due to sibling rivalry; AJ perished in a car accident.

Photo: PR Photos

Ang buhay ng tao ay may simula at katapusan. Ito ang isang bagay na madalas napapanood sa mga paborito nating palabas or pelikula.

Gayunman, ang mga kuwentong ito'y maaari rin mangyari sa totoong buhay, at nagiging mas interesante ito para sa publiko kapag nangyari  ito sa mga paborito o kilala nilang personalidad sa showbiz.

Gumawa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng listahan ng ilang personalidad na pumanaw, o may malalapit na kamag-anak na sumakabilang-buhay na.

GONE SO YOUNG. Nakakalungkot sa tuwing mapapabalita ang pagpanaw ng isang batang artista.

Marami pa silang maaaring maiambag sa industriya ng showbiz. Ngunit, nang dahil sa ilang mga pangyayari ay iniwan nila ang mundong ito sa batang edad.

Isa sa mga pinag-usapan sa taong ito ay ang pagpanaw ng batang aktor na si AJ Perez.

Nasa kasagsagan ng pagsibol ng kanyang showbiz career si AJ nang mangyari ang isang aksidente na kumitil sa kanyang buhay.

Madaling-araw ng Abril 17 nang bumangga ang sinasakyan niyang van sa isang bus at isang truck, habang nasa biyahe pabalik ng Maynila matapos ang isang show sa Dagupan, Pangasinan.

Bago maganap ang aksidente, kasama sana sa cast ng pelikula ng Star Cinema na Way Back Home si AJ para makatambal ni Kathyrn Bernardo.

Ngunit, dahil nga sa kanyang pagpanaw ay pinalitan siya ng kaibigan niyang si Sam Concepcion.

Samantala, mula sa aksidente ay tutungo tayo sa alitan ng pamilya.

Ito ang sinasabing dahilan ng pagkakapaslang sa aspiring actor at politician na si Ramgen Revilla.

Si Ramgen, o mas kilala bilang "Ram" sa mga malalapit sa kanya, ay anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay.

Ang 22 taong gulang na aktor ay pinagbabaril at pinagsasaksak sa kanilang tahanan sa BF Homes, Parañaque City, kasama ng kanyang nobyang si Janelle Manahan.

Ayon sa isinumiteng salaysay ni Janelle, alitan sa magkakapatid ang dahilan ng pagpaslang sa kanyang nobyo.