Sinubaybayan ng publiko ang hinagpis at pangungulila nang masawi ang malalapit na tao sa buhay ng kanilang mga iniidolo.
Una na rito ang pagpanaw ni Ricky Pempengco, ang ama ng international singer na si Charice Pempengco.
Nakaalitan ng ama ni Charice ang suspek na si Angel Capili.
Kaya naman nang nagkaroon siya ng pagkakataon noong hating-gabi Oktubre 30, habang bumibili sa tindahan sa A. Bonifacio Street, Langgam Village sa San Pedro, Laguna, ay pinagsasaksak niya si Ricky.
Ilang araw lamang ang lumipas ay sumuko rin sa awtoridad si Capili at humingi ng tawad sa pamilya ni Charice, isang bagay na hindi nila nagawang tanggapin.
Samantala, ulilang lubos na ang magkakapatid na Younghusband—sina Phil, James, at Keri—nang pumanaw ang ina nilang si Susan Placer-Younghusband.
Massive heart attack ang ikinamatay ng kanilang 49-year-old na ina noong Setyembre 10, sa kanilang tahanan.
Nasa Bacolod ng mga panahong iyon ang magkapatid na Phil at James para mag-ensayo kasama ang ibang miyembro ng Philippine Azkals, nang ibinalita ng nakababatang kapatid nila ang pagpanaw ng kanilang ina.
Masakit naman para sa dating child star na si Camille Pratts ang mabalo sa edad na 23, matapos pumanaw ng kanyang asawang si Anthony Linsangan.
Sumakabilang-buhay si Anthony sa edad na 31, noong Setyembre 23, sa Makati Medical Center dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.
Matagal din itinago ni Camille sa publiko ang tunay na kondisyon ng kanyang asawa.
Bagama't kinumpirma niya noong Agosto sa PEP.ph na may sakit ang kanyang asawa ay tumanggi na itong magbigay ng iba pang detalye.
Ilan pa sa mga pumanaw na pinag-usapan ng publiko ay ang pagsakabilang-buhay nina Paquito Diaz, John Apacible, Jo Ramos, RJ Rosales, Leo Rabago, Shirley Gorospe, Ben Feleo, Don Escudero, at Angelo Reyes.
CLICK HERE para makita ang kabuuang listahan at larawan ng mga pumanaw na pinag-usapan sa taong ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2 sydalg
1 kapepmilya