Katrina Halili on next move after contract with GMA-7 expires on March 2012: "Kung ano po 'yong magandang offer na aalagaan ako, doon po ako."

Ruben Marasigan
Tuesday, December 13, 2011 @ 12:42PM  |  915 views

 

"Wala talaga akong time sa lovelife ngayon, e. Kailangan ko ng time sa sarili ko sa ngayon!" says Katrina Halili.

Photo By: Noel Orsal













By January next year, muli na namang mapapanood sa primetime si Katrina Halili. 

Ito ay sa initial offering ng GMA-7 na The Beloved.

Bida rito si Dingdong Dantes at isang aktres na papalit sa role ni Rhian Ramos.

May pagka-kontrabida na naman ang role ni Katrina rito. 

Mukhang nata-typecast na yata siya sa mga ganitong klase ng papel?

"Hindi ko nga po alam, e. Bakit kaya?" natawang biro ni Katrina nang makakuwetuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bahay niya mismo sa may New Manila, Quezon City kahapon, December 12.

Okey lang ba sa kanya na puro kontrabida ang roles na natotoka sa kanya?

"Wala naman po yata akong choice, e. Di ba?" sabay tawa ni Katrina.

Pero kung may choice siya, gugustuhin niyang magbida ulit?

"Bakit naman hindi? Sino ba ang ayaw magbida, di ba?" sagot niya.

Unang nagbida si Katrina sa afternoon soap na Magdusa Ka noong 2008.

Bago ang The Beloved, ang huling seryeng nagawa ni Katrina ay ang Munting Heredera kunsaan kontrabida rin ang kanyang papel. 

Pero masaya na rin daw siya na kahit papano, hindi naman masasabing nababakante siya sa trabaho. 

CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang plano niya ngayong Kapaskuhan?

"Dito lang po ako sa bahay. 

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name