[x]

Follow the love stories of Zanjoe Marudo-Bea Alonzo (top), Piolo Pascual-KC Concepcion (middle), and Phil Younghusband-Angel Locsin (bottom).

Photo: Zanjoe-Bea: Allan Sancon; Piolo-KC: Wilson Chua; Phil-Angel: Sany Chua

Noong January 12 episode ng TV Patrol, inamin ni Zanjoe na nililigawan niya ang aktres na si Bea Alonzo.

At makaraan ang ilang buwang haka-haka na baka may relasyon na ang dalawa dahil sa sweet nilang pagsasama sa mga iba't ibang events, noong October 13, sa kanyang birthday presscon,  umamin na si Bea sa press na sila na nga ni Zanjoe, "Six months [na kami].

"Magse-seven months na pala, kasi it was on March 16 [ang araw kung kailan niya sinagot si Zanjoe]."

Nakuwento nga ni Bea na hindi nila pinlano, na it was a surprise noong maging sila, "Nagulat siya, akala niya hindi totoo!

"Actually hindi nga, e, wala ngang ano, e, hindi naman sa pinaplano.

"Hindi siya talagang ano... yung sinet-up, gano'n...

"Nag-dinner lang kami, hindi siya yung tinanong niya ako, lumuhod siya, hindi gano'n, e...

"Hindi na niya ako tinanong, ako na lang [sumagot]: 'Okey na 'ko, ready na 'ko.'"

THE JAZZ OF LOVE. Ikinagulat ng marami ang pagkaka-link ni Luis Manzano sa GMA-7 TV host-singer-actress na si Jennylyn Mercado.

Nagsimula ang lahat nang marami raw ang nakakakita sa kanila na magkasabay na namimili sa grocery at sabay pa daw ang dalawang nagbakasyon sa Boracay.

Kung kaya't noong May 21, sa Entertainment Live ng ABS-CBN, kung saan host siya, inamin na ni Luis na "exclusively dating" na sila ng TV host-singer-actress.

At kamakailan nga lamang, umamin na rin si Luis sa Entertainment Live din, nitong November 16, "Oo, kami na."

At sa hiwalay na panayam hindi naman ito itinanggi ni Jennylyn, "Meron naman siyang lumabas na interview tungkol dun.

"Ang masasabi ko lang, masaya kami.

"Meron na kaming parang formality."