PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Top Hookups of 2011: The unexpected love stories

Read about celebrity romances that blossomed, endured or went pfft.
by Elli Alipio
Published Dec 24, 2011
Follow the love stories of Zanjoe Marudo-Bea Alonzo (top), Piolo Pascual-KC Concepcion (middle), and Phil Younghusband-Angel Locsin (bottom).

Expect the unexpected—isang paglalarawan sa mga umusbong na pag-iibigan ngayong taong ito.

Marahil isa ito sa lubos na inaabangan ng mga tao taon-taon, kung sino 'yong mga magiging magkasintahan sa industriya ng showbiz.

Magugulat ka na lang, kaliwa't kanan na ang mga lumalabas na balita tungkol sa dalawang magkasintahan, na una'y mababalitaang magkaibigan lamang, exclusively dating, very special, getting there, at di kalaunan, magnobyo't nobya na.

Kung kaya't bago magpaalam ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taong 2011, tunghayan natin ang top 10 hookups na naganap ngayong taon (walang partikular na pagkakasunud-sunod)—na hindi natin marahil inaasahan.

THE GOOD GUY PROPOSES TO A PRINCESS. Isang malaking rebelasyon ang pag-amin ni Piolo Pascual noong January 30, 2011, sa The Buzz—inamin nito na may relasyon na sila ng anak ng Megastar Sharon Cuneta, na si KC Concepcion.

Nagbigay ng pahayag si Piolo na noong October 21, 2010 pa sila opisyal na naging magkasintahan ni KC, 'tapos nabanggit ni Toni [Gonzaga] na noong September 21, 2010 raw "nag-propose" si Piolo kay KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos daw ng proposal ni Piolo kay KC ay pumunta muna sa Europe ang TV host-actress para makapag-isip. Exactly one month after ay sinagot na raw ni KC si Piolo. Ngunit ngayong taon lamang na ito nasambit at inamin sa publiko nila Piolo at KC ang kanilang relasyon.

Ngunit makalipas ang ilang buwan ng kanilang magandang relasyon at minsa'y may bagyo din namang dumating sa kanila, natapos na din ang kanilang pagsasama. Inamin ni KC Concepcion sa The Buzz ang kanilang paghihiwalay ni Piolo Pascual.

IT STARTED WITH A TWEET. Panandaliang umapaw ang kilig sa Twitter world noong February 10, nang ininvite sa tweet ni Phil Younghusband (@PhilYHusband), miyembro ng Pinoy football team na Azkals, ang aktres na si Angel Locsin (@143redangel) na makipag-date sa Araw ng mga Puso.

Kahit hindi natuloy ang date nila noong Valentine's Day dahil may commitment na sa trabaho si Angel noon, nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-date pagkatapos ng Valentine's.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na nagsimulang lumabas ang dalawa with a group, hangga't sila na lang ang nagde-date at nasa getting-to-know stage na.

Pero noong August 11, inamin ng sikat na football player na "exclusively dating" na sila ni Angel.

Ginawa ng Azkals heartthrob ang pag-amin sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon.

Kahit bali-balitang may relasyon na sina Phil at Angel, consistent pa rin ang aktres na wala pa sila sa puntong may pormal na silang relasyon, pero di niya tinatago na masaya sila sa kung anuman ang mayroon sila ni Phil. Basta ang importante daw ay happy sila.

A SURPRISE. Sinimulan nila Zanjoe Marudo at Bea Alonzo ang taong 2011, na may bagong inspirasyon—ang isa't isa.

Noong January 12 episode ng TV Patrol, inamin ni Zanjoe na nililigawan niya ang aktres na si Bea Alonzo.

At makaraan ang ilang buwang haka-haka na baka may relasyon na ang dalawa dahil sa sweet nilang pagsasama sa mga iba't ibang events, noong October 13, sa kanyang birthday presscon, umamin na si Bea sa press na sila na nga ni Zanjoe, "Six months [na kami].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magse-seven months na pala, kasi it was on March 16 [ang araw kung kailan niya sinagot si Zanjoe]."

Nakuwento nga ni Bea na hindi nila pinlano, na it was a surprise noong maging sila, "Nagulat siya, akala niya hindi totoo!

"Actually hindi nga, e, wala ngang ano, e, hindi naman sa pinaplano.

"Hindi siya talagang ano... yung sinet-up, gano'n...

"Nag-dinner lang kami, hindi siya yung tinanong niya ako, lumuhod siya, hindi gano'n, e...

"Hindi na niya ako tinanong, ako na lang [sumagot]: 'Okey na 'ko, ready na 'ko.'"

THE JAZZ OF LOVE. Ikinagulat ng marami ang pagkaka-link ni Luis Manzano sa GMA-7 TV host-singer-actress na si Jennylyn Mercado.

Nagsimula ang lahat nang marami raw ang nakakakita sa kanila na magkasabay na namimili sa grocery at sabay pa daw ang dalawang nagbakasyon sa Boracay.

Kung kaya't noong May 21, sa Entertainment Live ng ABS-CBN, kung saan host siya, inamin na ni Luis na "exclusively dating" na sila ng TV host-singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kamakailan nga lamang, umamin na rin si Luis sa Entertainment Live din, nitong November 16, "Oo, kami na."

At sa hiwalay na panayam hindi naman ito itinanggi ni Jennylyn, "Meron naman siyang lumabas na interview tungkol dun.

"Ang masasabi ko lang, masaya kami.

"Meron na kaming parang formality."

NAGSIMULA SA TUKSUHAN. Nagsimula sa tuksuhan ng mga kasamahan nila sa Happy Yipee Yehey! ang umusbong na pagtitinginan nila Bianca Manalo at John Prats sa isa't isa.

Noong July 25, sa panayam ng PEP sa beauty-queen-turned-TV-host-actress, kapansin-pansin ang mga pahayag ni Bianca na bukas na talaga siya sa posibilidad na maaaring mauwi sa totohanan ang panunukso sa kanila ni John ng mga co-host nila sa Happy Yipee Yehey!

Nasangkot pa nga si Bianca sa hiwalayang John Prats at Rachelle Anne Go, ngunit nagsimula lang naman talaga sila bilang magkaibigan, na nauwi sa tuksuhan, 'tapos ngayon nga'y umamin na ang dalawa nitong September, sa magkahiwalay na interview, na "exclusively dating" na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROCESSING FRIENDSHIP? Nagsimula ang lahat sa balitang nililigawan diumano ni Matteo Guidicelli ang aktres na si Maja Salvador, ngunit wala raw katotohanan ito. Subalit hindi naman niya itinanggi na, "Type ko siya."

At bilang paglilinaw sa totoong relasyon nila ni Maja, ani Matteo sa interview noong July 9, "Hindi naman ako [nanligaw] or anything, processing lang—processing friendship, closeness. We're really close friends."

Ngunit sa nagdaang September 3, Star Magic Ball, dahil sa nangyaring engkwentro ng September 4 ng madaling araw kina Matteo Guidicelli at Coco Martin—dahil nga diumano'y nagselos si Matteo kay Coco, na nakapareha ni Maja sa natapos na teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.

Sa magkahiwalay na interview ni Boy Abunda sa dalawa sa The Buzz nitong September, tungkol nga sa issue—umamin na rin sila Matteo at Maja na meron na nga silang relasyon, kung kaya't nagkaroon din ng ganoong engkwentro sa pagitan nila Matteo at Coco.

SHALANI ENGAGED. Nakilala si Shalani Soledad noong naging nobya ng Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino o PNoy. Ngunit mas nakilala si Shalani nang maging co-host ito sa TV5 variety show na Will Time, Big Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nga single ngang muli ang dalaga, napabalitang may dine-date daw ito na representative ng lone district ng Pasig City—Rep. Roman Romulo.

Nakita diumano ang dalawa ng September 2 ng madaling araw sa Baclaran church. Bago ang linggong iyon, nakita din sila sa The Peninsula Manila Hotel.

At nasabi lang ni Rep. Romulo, "Umuusbong pa lang."

Ngunit ang ikinagulat ng lahat, ang balitang pumutok noong September 14—ang pag-anunsyo ni Rep. Romulo sa isang interview sa ABS-CBN—ang engagement nila ng Valenzuela City councilor at TV host Shalani Soledad.

Next year ang target ng magkasintahan na magpakasal at mag-settle down.

GLOWING BIANCA G. Noong January 17, lumabas ang balita na ang bagong masugid na manliligaw ni Bianca Gonzales ay ang basketball player na si JC Intal. Si JC ang ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Ayon nga kay Bianca noon, medyo bago pa lang ang pagkakakilala nila ni JC.

"It's just a few months. Siguro mga October [last year] lang, gano'n...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 13, may mga naniniwalang magkasintahan na sila. Isa na nga raw pruweba ay ang mga photos nila sa Facebook account ng basketbolista.

Ngunit mabilis namang dinipensahan ni Bianca ito at nilinaw na "We're only dating, parang getting to know each other."

Subalit nitong September 1, naging open na si Bianca sa kanyang love life—na ang boyfriend niya ang basketball player na si JC Intal.

Tahimik at masaya ang itinatakbo ng relasyon ng dalawa. Mukhang mas maganda nga raw yata pag hindi parehong taga-showbiz ang magkarelasyon.

SUPER-DUPER-MEGA SPECIAL. Sa isang balitang lumabas noong March 23, hindi na naitago ng StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang kanyang paghanga sa bida ng natapos na telefantasya na Alakdana na si Louise delos Reyes.

Ayon kay Enzo, nakilala niya ang dalaga nang minsa'y nag-guest ito sa Party Pilipinas.

Ngunit makalipas ang isang buwan kapansin-pansin ang pagiging kumportable ng dalawa sa isa't isa kaya marami ang nagtataka kung nasa ligawan stage pa rin ba sila, o baka naman sinagot na siya ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Consistent naman ang dalawa sa mga interviews nila na gano'n pa rin sila—they consider each other special.

Ayon nga kay Enzo, "Ganun pa rin kami, super-duper-mega special sa isa't isa."

Sa isang hiwalay namang interview, sumang-ayon din naman si Louise, "Ano kami, exclusively dating. Siguro kami yung going strong."

MUTUAL UNDERSTANDING. Nagkatrabaho sina Rocco Nacino at Sheena Halili sa defunct GMA-7 sitcom na Kaya ng Powers, at sinasabing naging close sila dahil dito. Kung kaya't umugong ang balita na sila na daw ng naturang aktres.

Tumanggi naman ang young actor, "Hindi po kami. Pero we have a very special relationship. Special friendship," saad niya sa isang interview noong February 23.

Bagamat madalas silang makitang magkasama lately, nilinaw ni Rocco na hindi pa sila opisyal na magkasintahan ni Sheena.

"We are dating," paglalarawan ng binata sa estado ng relasyon nila ngayon.

Aniya pa, "We have mutual understanding. Nasabi ko naman po dati na special po siya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLICK HERE para makita ang mga larawan ng mga kasama sa top list ng hookups ngayong taong 2011.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Follow the love stories of Zanjoe Marudo-Bea Alonzo (top), Piolo Pascual-KC Concepcion (middle), and Phil Younghusband-Angel Locsin (bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results