Senator Panfilo "Ping" Lacson has confirmed reports that his son Jeric (inset) is now in a relationship with Kapuso actress Rhian Ramos (left). The senator made the confirmation through a text message.

Photo: Noel Orsal (main)/ TFCFanatic25 via YouTube (inset)


Kinumpirma mismo ni Senator Panfilo "Ping" Lacson na magkarelasyon ngayon ang anak niyang si Jeric Lacson at ang aktres na si Rhian Ramos.

Ito ay ayon sa flash reportng field reporter ng radio station na dwIZ na si Cely Ortega-Bueno kaninang tanghali, December 13.        

Pero ayon din sa Senador, ayaw nitong makialam sa relasyon ng dalawa.

Ang ikinabigla lang daw ni Senator Lacson ay nang makarating sa kanya ang balita na nang kausapin daw ni Jeric si DJ Mo, sinabihan daw ito ng kontrobersiyal na radio host/radio jock ng:

"Anak ka lang ng senador, hindi ikaw ang senador. Kung gusto mo akong ipapatay, puntahan mo lang ako sa bahay ko."

Ayon sa senador, "ill-advised" ang mga pahayag ni DJ Mo at kailangan daw nitong maghinay-hinay.

Kaugnay nito, nagpadala ang PEP associate editor na si Rommel Llanes ng text message kay Mo kaninang bandang 1:56 p.m. upang kunin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Senator Lacson.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang radio-TV host na kasalukuyang nasa New York.

Matatandaan sa e-mail na ipinadala ni Mo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 8 ay sinabi nitong may "new boyfriend" na si Rhian.

Dalawang beses nabanggit ni Mo sa liham niya sa PEP ang bagong karelasyon daw ni Rhian, na hindi niya binanggit ang pangalan.

Narito ang excerpts mula sa liham na ito ni Mo:

I am happily dating someone new, as Rhian is, and I have not reached out to contact her in any way since our breakup in October.

I cannot forgive her family's stance on some of the issues we encountered. I did not appreciate the violent tweets from Rhian's father but I'm glad she told him to stop it. Her new boyfriend has done the same and I too am glad he has erased some of them.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinusubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Jeric sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, pero hindi pa rin siya sumasagot hanggang ngayon.