Mike Tan considers 2011 as one of his best years in showbiz

Rose Garcia
Wednesday, December 14, 2011 @ 07:43AM  |  6279 views

 

Mike Tan on why he considers 2011 a good year for him: "Ngayong taon na rin ako nabigyan ng break. Para sa akin, dito ko napatunayan kung ano ang kaya kong gawin as an actor. Hopefully, magtuluy-tuloy. Pinipilit ko naman na palaging pagalingin ang sarili ko."

Photo By: Noel Orsal













Posibleng mag-overlap ang taping ni Mike Tan ng kanyang Kapuso afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit (KAMAL) at ang bago niyang primetime series na Legacy.

"Magpapatong siguro talaga yung taping dahil extended ang KAMAL ng four weeks," pahayag ng binata nang dalawin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanyang binanggit na serye.

"Another four weeks, so siguro nasa two months na rin ang extension namin.

"Pero siyempre, kakayanin. Kahit mahirap, nandoon ako sa challenging ang mga nangyayari sa akin. 

"Like sa character ni Jonas sa KAMAL, grabe, grabe ang nangyayari."

Thankful daw si Mike sa mga sumusuporta ng afternoon series nilang Kung Aagawin Mo Ang Langit nina Carla Abellana at Michelle Madrigal at gayundin sa writers ng kanilang soap.

"Yung kuwento kasi, sila ang gumagawa noon," patungkol niya sa writers ng series nila.

"Buti na lang, nagugustuhan ng mga tao.

"E, kami namang mga artista—si Carla, si Michelle, ako—lahat ginagawa namin. 

"Hindi lang ako kung hindi maging nandiyan sina Direk Ricky [Davao], Jan Marini...lahat tumutulong."

GOOD CHANGES. Ano ba ang nabago sa kanya ng Kung Aagawin Mo Ang Langit?

Nangiting sabi ni Mike, "Dati ko naman na yun ugali na nagpo-focus sa trabaho. 

"But I think, mas napa-practice ko ang acting ko. Mas lumalalim. 

"Although, para sa akin, mahirap talagang umarte lalo na kapag hindi ikaw ang character. 

"Dapat bigyan mo talaga ng panahon, effort, at aralin mo ang script mo. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name