Posibleng mag-overlap ang taping ni Mike Tan ng kanyang Kapuso afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit (KAMAL) at ang bago niyang primetime series na Legacy.
"Magpapatong siguro talaga yung taping dahil extended ang KAMAL ng four weeks," pahayag ng binata nang dalawin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanyang binanggit na serye.
"Another four weeks, so siguro nasa two months na rin ang extension namin.
"Pero siyempre, kakayanin. Kahit mahirap, nandoon ako sa challenging ang mga nangyayari sa akin.
"Like sa character ni Jonas sa KAMAL, grabe, grabe ang nangyayari."
Thankful daw si Mike sa mga sumusuporta ng afternoon series nilang Kung Aagawin Mo Ang Langit nina Carla Abellana at Michelle Madrigal at gayundin sa writers ng kanilang soap.
"Yung kuwento kasi, sila ang gumagawa noon," patungkol niya sa writers ng series nila.
"Buti na lang, nagugustuhan ng mga tao.
"E, kami namang mga artista—si Carla, si Michelle, ako—lahat ginagawa namin.
"Hindi lang ako kung hindi maging nandiyan sina Direk Ricky [Davao], Jan Marini...lahat tumutulong."
GOOD CHANGES. Ano ba ang nabago sa kanya ng Kung Aagawin Mo Ang Langit?
Nangiting sabi ni Mike, "Dati ko naman na yun ugali na nagpo-focus sa trabaho.
"But I think, mas napa-practice ko ang acting ko. Mas lumalalim.
"Although, para sa akin, mahirap talagang umarte lalo na kapag hindi ikaw ang character.
"Dapat bigyan mo talaga ng panahon, effort, at aralin mo ang script mo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 whatheheck
9 gorgeous_aleck
8 coolitz4coolitz4ever
7 tele_tubby
6 Speed_OfLight
5 capisceniente
4 MARKY2000
3 kalahatingtao
2 agimat_20
1 tsismosaako