Mga balitang nagkukuwento ng alitan at hiwalayan ang siyang kumuha ng mas nakararaming atensiyon ng mga mambabasa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong 2011.
Sa katunayan, sa listahan ng 100 Most-Read PEP Breaking News for 2011, halos puro tungkol sa magkakagalit na mga artista at mga naghiwalay na magkakarelasyon ang nakatala.
Base ang listahan sa mga nai-record na impormasyon mula sa web-traffic data gatherer na Google Analytics.
Sa pamamagitan ng mga nai-record na impormasyon, malalaman agad kung ilang beses binisita o binasa ang isang web page o artikulo (page views) o ilang katao na gumagamit ng computer ang bumisita sa isang web page (unique users).
Noong nakaraang taon, ang artikulong nagbabalita tungkol sa alitang Angelica Panganiban at Claudine Barretto (CLICK HERE to read story) ang may pinakamaraming page views (mahigit 455,910) at unique users (225,376).
Nilagpasan naman ito ngayon ng Top Breaking News na "KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; but refuses to say why," na may page views na 1,027,059, ngunit may mas kaunting unique users sa bilang na 174,452.
Maliban sa "Star Magic talent AJ Perez, 18, is dead" na tungkol sa pagkamatay ng teen actor na si AJ Perez, puro mga istoryang tungkol sa alitan at hiwalayan ang umookupa sa top 10 o sampung pinakabinasang breaking news sa PEP ngayong 2011.
Hindi naman lahat ng pinakabinasang mga balita sa PEP ay tungkol sa alitan. Meron din namang tungkol sa kasalan, pakilig na istorya tungkol sa mga dati nang magkarelasyon, at tagumpay ng kababayan natin sa ibang bansa.
Mas interesado nga lang talaga ang readers sa mga kontrobersiyang dulot ng mga alitan, hiwalayan, at iskandalo.
Heto ang kumpletong listahan ng Top 100 most-read PEP breaking news in 2011 at ang mga bilang ng kanilang page views (PV) at unique users (UU), mula Enero hanggang Disyembre 2011.
No. 1: KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; but refuses to say why PV: 1,027,059 / UU: 174,452
No. 2: (UPDATED) Video of Mo Twister goes viral on the Net; claims ex-girlfriend Rhian Ramos "got rid of our baby" in Singapore last year PV: 508,615 / UU: 152,049
No. 3: Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi" PV: 455,715 / UU: 125,021
No. 4: Annabelle Rama fires back at Nadia Montenegro: "Dapat ikaw ang ipakulong, dapat ikaw ang gapusin, wala kang kwentang nanay!" PV: 447,622 / UU: 72,556
No. 5: Mark Gil to the father of Andi Eigenmann's baby: "If you don't want it, then you won't have it!" PV: 437,938 / UU: 108,111




0

