Chariz Solomon on changes in her life after entering showbiz: "Parang bagong buhay po, sobra...at saka ang daming natulungan ng kinikita ko... So, kahit may mga negative na nangyayari, may natututunan ako doon, e. And definitely, malaki ang dapat kong ipagpasalamat dahil binago ng showbiz ang buhay ko, for the better. Kaya thank you, showbiz, salamat!"

Photo: Noel Orsal

"Praktikal at hindi ambisyosa" ang description ni Chariz Solomon sa kanyang sarili.

Hindi kasi siya nangangarap na balang-araw ay mabibigyan din ng break upang maging bida sa TV man o pelikula.

Kuntento na kasi ang kikay na komedyana basta't mayroon lang siyang mga regular na proyekto.

Kaya ayaw raw niyang mag-expect na darating din ang time na magiging bida siya.

"Hindi na po ako nag-iisip ng ganoon, na magiging bida rin ako.

"Nakakatakot kasi, baka mabaliw ako, praning din kasi ako, e!" nakatawang saad ng komedyana nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa ni Chariz, "Hindi ko na po iniisip 'yon, basta may trabaho lang lagi ay okay na 'yon sa akin.

"Well, sana kung may darating, pero hindi ako nag-iisip ng mga ganoon po talaga, e.

"Basta kung ano na lang po ang dumating, come what may lang, ang mahalaga ay laging may trabaho e.

"Masaya na ako na nakakapagbayad ng bills, masaya na ako kapag hindi nababakante sa work.

"Okay na 'yong naa-appreciate rin ng iba ang ginagawa ko, yung may nagmamahal rin sa akin, okay na ako doon."

STARSTRUCK. Wala raw sa hinagap ni Chariz na mapapasok siya sa mundo ng showbiz.

Five years ago, huminto si Chariz ng pag-aaral sa University of Santo Tomas dahil sa planong magtrabaho sa Japan.

Subalit hindi ito natuloy at ito ang nagbigay sa kanya ng chance para maging isang artista.

Kuwento ni Chariz, "Kailangan na kasi namin ng extra hand financially, so 'yong mother ko po, isinasama na niya ako to work in Japan.