Boy Abunda on a possible international TV hosting job: "Wala pa, e. I think what can happen, you create that, e. You somehow create that offer, e. You see yourself in many ways."

Photo: Noel Orsal

Producers at hosts ng iba't ibang TV networks sa buong Asia ang nakita ni Boy sa naturang awards night.

"Ang pinag-uusapan mo dun, BBC, Al Jazeera, CNN, Media Corp., TVD ng Hong Kong...lahat!"

"Ang runner-up ng Bottom Line ay Talk Asia ng CNN," mariing banggit ni Boy.

"Nakakaano lamang...na nakakataba ng puso. 

"Dugo at pawis ang puhunan natin sa Bottom Line."

Kaba at ligalig ang naramdaman daw ni Boy habang binabasa ang nomination niya sa nasabing katergorya.

"I've been so used to awards, pero hindi pala...iba! Hindi ko alam. 

"Nung sinabi na, 'The Bottom Line,' hindi ko alam kung saan ako nakarating mula sa kinauupan ko hanggang sa stage. 

"Hindi ko maalala, nanginginig ako.

"Ang naalala ko lang na sinabi ko, 'I dedicate my trophy to my beloved country, the Philippines.'

"Pero all the rest, hindi ko [maalala]...kaya gusto kong mapanood yung footage.

"Kasi, bago yung pang-10th award, yung best talk show host. 

"Kasi walang host, e. 

"Sa mga kategorya, lahat best talk show, Bottom Line ni Boy Abunda.

"Ang meron lang, tao [na nominated] yung best news anchor.