Boy Abunda on a possible international TV hosting job: "Wala pa, e. I think what can happen, you create that, e. You somehow create that offer, e. You see yourself in many ways."

Photo: Noel Orsal

Isang karangalan ang natanggap ng King of Talk na si Boy Abunda at ng bansang Pilipinas nang manalo ang programa niyang Bottom Line ng ABS-CBN sa kakatapos lang na Asian TV Awards na ginanap sa Singapore. 

Huwebes ng gabi, December 8, nang personal na tanggapin ni Boy ang karangalan; kasabay ng pagtanggap din ng TV5, na nanalo sa kategoryang Best Theme Song para sa drama anthology na Star Confessions.

Hindi pa humuhupa ang kasiyahan sa mukha ni Boy nang makapanayam  siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa programa niyang The Buzz nitong nakaraang Linggo, December 11.

Wala raw sa hinagap ni Boy na sila ang mananalo nang gabing iyon dahil mabibigat ang mga kalaban nila.

Pero, alam naman daw niyang may laban ang kanilang talk show.

Ayon kay Boy, "Bago ako umalis, kinuha ko yung Bottom Line that was submitted to the Asian Television Awards [para panoorin]. 

"Tapos dun, I took it from there. Pero sabi ko, parang may laban.

"Pero nung nandoon na ako [sa awards night], natunaw na yung pag-asa kong yun. 

"Kasi when you're among Asia's best, siyempre, di ba, huwag naman tayong mag-ilusyon."

PRAYERS HELP. Hindi raw ito beauty pageant na mararamdaman mo agad kung may tsansa kang manalo, ayon pa kay Boy.

"Of course, you wanna win in your heart," dugtong niya. 

"Pero, mahirap yung sobrang umaasa, di ba?

"Pero deep in your heart, you wanna win. 

"Nagsimba kami sa Singapore bago kami pumunta ng venue. Kaugalian ng Pinoy.