Boy Abunda on a possible international TV hosting job: "Wala pa, e. I think what can happen, you create that, e. You somehow create that offer, e. You see yourself in many ways."

Photo: Noel Orsal

"Lahat ng nanalo, CNN. And the 9th, CNN [ang nanalo]. 

"Buti na lang at may intermission na band. 

"'I-boo natin.' Yun, yung mga biruan namin para matanggal yung nerbiyos. 

"'Ganito ang gagawin natin, boo! Para hindi tayo mahalata.'

"Wala, e. Wala akong expectations talaga. Wala talaga.

"Pagkatapos no'ng band [performance], 'eto na.

"'The nominees for the best talk show in the Asian...'

"Naku po, 'eto na. 'And the winner is...'" masaya niyang salaysay sa pangyayari.

Dagdag pa ni Boy, "Proud ako sa Bottom Line kasi konsepto ko ito. 

"Kasi pinagtulung-tulungan ito, Louie [Andrada], Ian [Reyno]. 

"At saka inilatag ko talaga itong konsepto na ito. 

"Nagpapasalamat ako sa...for ABS-CBN's bravery for allowing me to do this show. 

"It takes a lot of courage for a network to be able to allow anyone to do this show."

BOY'S FIRST! Walang ideya si Boy kung kauna-unahang award ba ito ng Pilipinas sa kategoryang best talk show sa Asian TV Awards.

Pero ayon sa mahusay na TV host, ito ang unang pagkakataong nanalo siya rito.