Sa unang pagkakataon, matapos ang pagkakapaslang sa aktor na si Ramgen Revilla, nagkaharap sa piskalya ang kanyang ina na si Genelyn Magsaysay at ang kanyang kasintahan na si Janelle Manahan.
Nangyari ito kanina, Disyembre 13, sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kaso sa Parañaque Prosecutor's Office kung saan sinumpaan ni Janelle ang kanyang reply-affidavit.
Sa ulat ng GMA News reporter na si Ian Cruz na napanood sa 24 Oras ngayong gabi, kasama ni Janelle ang kanyang mga magulang habang si Genelyn naman ay kasama ang kanyang mga anak.
Hindi raw nagkibuan ang magkabilang panig.
Naroon ang mag-anak ni Genelyn para ihain naman ang rejoiner affidavit ni Ramona "Mara" Bautista, kapatid ni Ramgen at isa sa itinuturing na suspek sa krimen.
Suspek din ang isa pang kapatid nila na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, na kasalukuyang nakapiit sa Parañaque City Jail.
JUST SAYING THE TRUTH. Bagamat hirap pang magsalita dahil sa braces sa kanyang ngipin at bibig, nagpaunlak pa rin ng interview sa media si Janelle pagkatapos ng paghaharap.
Ayon sa nobya ni Ramgen, "Sa loob ko, medyo hindi ko po alam yung mararamdaman ko."
Ano ang pakiramdam sa pagkikita nila ng pamilya ni Ramgen kanina?
"Actually po, wala po akong naramdaman. Okay lang po.
"Basta ako, sinasabi ko lang yung kailangan kong sabihin kanina.
"Hindi nila ako kinakausap. Hindi nila ako pinapansin," saad ni Janelle.
Sinubukan niya bang mag-"hi" sa kanila?
"Tinitingnan...tumitingin din kasi sila sa akin.
"So, tinitingnan ko rin sila. Pero walang words."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
65 am_not_a_princess
64 Lokotoy
63 pwedenarin
62 red_azalea
61 Xray
60 shidax
59 inquisitive
58 D_katie
57 iloveacting
56 lovinABS
55 Clara Pastor
54 steelwings
53 sweetum
52 sweetum
51 Mute19
50 AnnabellSoriano
49 nice1
48 usilang
47 krispy_cookie_krema
46 D_katie
more comments