PART 2. Bong Revilla shares joke on proposed title if a Bong-Vic Sotto-Ai-Ai de las Alas movie project materializes: "PanTe ng Ina Mo!"

Ruben Marasigan
Wednesday, December 14, 2011 @ 03:00PM  |  14745 views

 

Upon hearing Kris Aquino's comment that she aims to make her movie Segunda Mano MMFF's second top grosser after Enteng ng Ina Mo, Bong Revilla says, "No comment!

 

"Wala. Basta ang importante, kumita lahat ng entries."

 

Photo By: Noel B. Orsal













Sa pocket presscon para sa pelikula ni Senator Bong Revilla na Ang Panday 2 kahapon, December 13, sa Obra ni Nanay sa West Triangle, Quezon City, hindi siya nakaiwas na matanong tungkol sa sinabi ni Kris Aquino sa presscon naman ng Metro Manila Film Festival 2011 entry ring Segunda Mano.

 

Ani Kris, magna-number one daw sa box-office ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, at naglalayon daw ng Presidential sister na mag-number two ang pelikula nila ni Dingdong Dantes.

Ano ang reaksiyon ni Senator Bong tungkol sa pahayag na ito ni Kris?

"No comment!" sabay tawa na lang niya.

"Wala. Basta ang importante, kumita lahat ng entries."

Binigyan umano ni Kris ng regalo si Marian bilang pasasalamat sa pagpapahiram  kay Dingdong para maging leading man nito sa Segunda Mano.   

May regalo din ba siya kay Dingdong sa pagpapahiran naman kay Marian para maging leading lady niya sa Ang Panday 2?

Napahalakhak si Senator Bong.

"Biglang gano'n, e. Ha-ha-ha!

"Meron tayo siyempreng Christmas gift."

FUTURE BONG-VIC-AI-AI PROJECT? Noong nakaraang taon ay nakipag-tandem si Senator Bong kay Vic Sotto para sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Mauulit kaya ang tambalan nila?

"Well, may usapan naman kami ni Vic talaga. But...let's see next year.

"Depende kay Carlo J. [Caparas], sa kanya kasi ang Panday. Kung papayag siya."

Sabi ni Ai-Ai, nabugbog daw ng tandem nina Vic at Bong ang MMFF entry niya nung nakaraang taon na Ang Tanging Ina Mo: Last Na 'To!.

Ano raw kaya kung next year ay silang tatlo na nina Vic at Ai-Ai ang magkakasama sa pelikula?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name