PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 2. Bong Revilla shares joke on proposed title if a Bong-Vic Sotto-Ai-Ai de las Alas movie project materializes: "PanTe ng Ina Mo!"

The actor-senator says the important thing when faced with problems and challenges is to not lose your faith in God.
by Ruben Marasigan
Published Dec 14, 2011
Upon hearing Kris Aquino's comment that she aims to make her movie Segunda Mano MMFF's second top grosser after Enteng ng Ina Mo, Bong Revilla says, "No comment! "Wala. Basta ang importante, kumita lahat ng entries."

Sa pocket presscon para sa pelikula ni Senator Bong Revilla na Ang Panday 2 kahapon, December 13, sa Obra ni Nanay sa West Triangle, Quezon City, hindi siya nakaiwas na matanong tungkol sa sinabi ni Kris Aquino sa presscon naman ng Metro Manila Film Festival 2011 entry ring Segunda Mano.

Ani Kris, magna-number one daw sa box-office ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, at naglalayon daw ng Presidential sister na mag-number two ang pelikula nila ni Dingdong Dantes.

Ano ang reaksiyon ni Senator Bong tungkol sa pahayag na ito ni Kris?

"No comment!" sabay tawa na lang niya.

"Wala. Basta ang importante, kumita lahat ng entries."

Binigyan umano ni Kris ng regalo si Marian bilang pasasalamat sa pagpapahiram kay Dingdong para maging leading man nito sa Segunda Mano.

May regalo din ba siya kay Dingdong sa pagpapahiran naman kay Marian para maging leading lady niya sa Ang Panday 2?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napahalakhak si Senator Bong.

"Biglang gano'n, e. Ha-ha-ha!

"Meron tayo siyempreng Christmas gift."

FUTURE BONG-VIC-AI-AI PROJECT? Noong nakaraang taon ay nakipag-tandem si Senator Bong kay Vic Sotto para sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Mauulit kaya ang tambalan nila?

"Well, may usapan naman kami ni Vic talaga. But...let's see next year.

"Depende kay Carlo J. [Caparas], sa kanya kasi ang Panday. Kung papayag siya."

Sabi ni Ai-Ai, nabugbog daw ng tandem nina Vic at Bong ang MMFF entry niya nung nakaraang taon na Ang Tanging Ina Mo: Last Na 'To!.

Ano raw kaya kung next year ay silang tatlo na nina Vic at Ai-Ai ang magkakasama sa pelikula?

"May nagbibiro nga, e... PanTe ng Ina Mo! Ha-ha-ha!" napatawa sa binitawang salita niya si Senator Bong.

SON JOLO'S HEALTH PROBLEM. Bahagyang naiba ang topic nang kumustahin ang anak ng senador na si Jolo Revilla.

Ano na nga ba ng kundisyon nito matapos na mapabalita ang palagiang pagkakaroon ni Jolo ng matinding migraine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magpapa-checkup kami. Siguro by January, pupunta kaming dalawa sa States," sagot ng bida ng Panday 2.

Bakit naman kailangang sa Amerika pa?

"Siyempre, meron na ring findings dito sa severe migraine niya.

"So, ipapa-check din natin sa States for second opinion.

"Magagaling din ang doktor natin. We're not saying na hindi.

"Pero siyempre, okey din naman yung may second opinion," paliwanag niya.

Kung checkup lang, sandaling panahon lang ang kailangan. Pero bakit may umuugong na balita na magte-take ng leave of absence si Jolo, hindi lang sa commitments nito sa showbiz, kundi maging sa tungkulin nito bilang barangay chairman sa Cavite?

Ayon kay Senator Bong, "Hindi ko lang alam kung ano talaga yung desisyon niya.

"Ang sinasabi ko lang sa kanya, ang pangaral ko, 'You have to relax, take your time.'

"Na, 'Lahat ng ano sa buhay mo, lahat naman 'yan darating, e.'"

Sa kanyang mga anak, mukhang si Jolo ang nakikita ng marami na puwedeng sumunod sa yapak niya, hindi lang sa pagiging aktor kundi maging pulitiko rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posible rin kaya na ipasa niya kay Jolo ang character na Flavio kung sakaling tumanggi na siyang gumanap sa mga susunod na Panday movies?

"Siyempre, kung pupuwede. Depende rin 'yan kay Direk Carlo."

Si Carlo J. Caparas ang siyang may-akda ng Panday na unang lumabas bilang nobela sa Pilipino Komiks nung 1979.

Una itong ginawang pelikula ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. nung 1980.

"Pero siyempre kung ako ang tatanungin mo, gusto ko si Jolo... With the blessing of Carlo J. Caparas," banggit pa ni Senator Bong sa anak bilang kapalit niya as Flavio/Ang Panday.

RAMON SR.'S CONDITION. Kinumusta rin ng press na naroon sa pocket presscon ang kanyang amang si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Totoo bang nakakalakad na uli ito?

"Hindi po siya nakakalakad," paglilinaw ni Senator Bong.

"Sinubukan niyang ano... dinala siya last week sa Pansol [Laguna]. Tapos sa pool, nilagyan siya ng floater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, feeling niya, nakakalakad siya sa pool.

"Nakakatuwa naman. At least, yung fighting spirit niya."

MOVING ON AFTER RAMGEN'S DEATH. Kahit na tila ayaw nang pag-usapan ng actor-senator ang tungkol naman sa malagim na sinapit ng kanyang half-brother na si Ramgen Revilla, naungkat pa rin iyon ng press.

Kumusta na nga ba siya ngayon?

"I'm okay. I have to move on.

"Ang importante sa atin, siyempre... Maraming pagsubok na dumaraan sa buhay natin.

"Lahat naman 'yan, hindi ibibigay sa atin ng Panginoon ang mga pagsubok na 'yan kung hindi natin kaya.

"Basta ang importante, ipaubaya na lang natin sa Panginoon. Dasal na lang."

Paano niya nagagawang hindi maapektuhan ng personal niyang krisis ang kanyang trabaho sa showbiz at bilang senador?

"Siyempre, kahit mabigat yung dinadala mo, pagharap mo sa tao, kailangang nakangiti ka. Masaya ka.

"Kailangang maging masaya tayo.

"Maraming trials na dumating sa buhay natin. Pero ang importante, bumangon ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHRISTMAS AND NEW YEAR PLANS. May plano na ba sila ng kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan?

"Maging masaya kaming lahat. Hindi dapat maging malungkot.

"Kumbaga, yung bigat na pinagdaanan ng pamilya, e...tama na yun. Isasantabi na muna natin.

"Yung selebrasyon namin ng Christmas? Sa Cavite. With my dad.

"Gano'n kami talaga, e. Tradisyon na namin iyon.

"Tapos sa New Year, nagsisimba kami.

"Sa pagtawid ng taon, nando'n kami sa loob ng simbahan. Tradisyon pa rin ng pamilya iyon.

"Parang panata at pasalamat namin sa Panginoon.

"Ang importante sa atin, maging masaya tayo ngayong Pasko na ito.

"Kalimutan natin ang malungkot na nangyari.

"Alam naman natin na dumarating talaga sa buhay natin 'yan. e.

"Kahit kaninong tao, hindi natin gugustuhing mangyari kahit kanino 'yan," pagtutukoy ng senador sa trahedyang kinasusuungan ngayon ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ni Ramgen.

HAPPIEST MOMENT THIS YEAR. Dahil nagiging malungkot na ang takbo ng usapan, tinanong na lang si Senator Bong tungkol naman sa pinakamasayang nangyari sa kanyang buhay ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung ikinasal ulit kami ni Lani. Yung aming silver wedding anniversary," nakangiting nasabi niya.

Dahil nasa Kongreso na si Lani at pareho na silang busy, kinumusta naman ng press ang lagay naman ng kanilang romantic o intimate moments.

Paano na nga ba sila nagkakaroon ng oras para sa isa't isa?

"Time management!" tawa ng senador.

"That's life! Healthy!"

Nabanggit na rin niya ang salitang "healthy," tinanong na rin si Senator Bong kung paano niya napapanatili ang pagiging makisig niya.

"Of course, I am vain.

"Natural lang siguro. Sabi nga, mas vain daw ang mga lalake kesa sa babae. Sa totoo lang.

"Siguro my wife can attest to that!

"My secret? I work out every day. I jog. Tapos diet din."

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Marian Rivera
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Upon hearing Kris Aquino's comment that she aims to make her movie Segunda Mano MMFF's second top grosser after Enteng ng Ina Mo, Bong Revilla says, "No comment! "Wala. Basta ang importante, kumita lahat ng entries."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results