"Malabo 'yon!"
Ito ang natatawang sabi ni Marian Rivera nang tanungin kung pang-Best Actress ba ang acting niya sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na Panday 2.
Sa second installment ng franchise film na ito na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla ay gumaganap si Marian bilang si Arlana/Bagwis, na isang dragon.
Pero dagdag din ng Kapuso actress, "Wala namang artista ang hindi naghahangad ng award.
"Pero naniniwala ako na yung kabuuan ng pelikula ay marami talagang mahahakot na awards.
"Pero sila Kuya [Bong] na 'yon. Ako, okay na ako."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa latest presscon ng Panday 2 kaninang tanghali, December 14, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Wala ring partikular na eksena na mabanggit si Marian nang tanungin kung ano ang most memorable scene niya sa pelikula.
"Ay, lahat!" bulalas niya.
"Kasi, wala kaming ginawa do'n set kundi magtawanan, magkulitan, at kumain nang kumain.
"Ganun kami sa set."
SENATOR BONG. Ang Panday 2 ang kauna-unahang pagkakataon na nakatambal ni Marian si Senator Bong, na kilala sa pagiging ladies' man.
Sabi ni Marian, "Oo naman, hindi lang...kahit sa lalake, ganun siya.
"Kahit sa mga kasamang lalake, ganun siya.
"Yun ang sinasabi ko na si Kuya, mabait siya sa likod at sa harap ng camera talaga.




0

