Imee Marcos returns to filmmaking via Pintakasi

Monching Jaramillo
Wednesday, December 14, 2011 @ 05:26PM  |  12248 views

 

"Pero hindi naman naming akalain na yung kinakaladkad ko sa Dulaang UP na si JM de Guzman ay magiging sikat. Si Erich [Gonzales], isang taga-Davao na binibiru-biro lang namin, e, magiging sikat din. Eto nga, sa haba ng panahon, e, nagsikatan na sila. Ako naman, bumalik-pulitika. Promdi na ngayon, gobernador ng Ilocos Norte," says Governor Imee Marcos, who produced the highly-acclaimed films Himala and Oro Plata Mata, when her father Ferdinand Marcos was the country's all-powerful president. She's now completing her new movie venture, Pintakasi.

Photo By: Noel Orsal













Kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 New Wave Section ang Pintakasi, na prinodyus ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Pinangungunahan ang Pintakasi nina Erich Gonzales, John Wayne Sace, at JM de Guzman.

Sa presscon ng nasabing pelikula kaninang tanghali, December 14, sa Mario's restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, naroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Dito ipinaliwanag ni Imee kung ano ang ibig sabihin ng Pintakasi.

Maliban sa ito'y may kinalaman sa sabong, ang kahulugan pa nito ay "pinta kasi."

Kuha ito sa karakter na ginagampanan ni John Wayne Sace sa pelikula, na isang pintor, at may mga eksena rito na pinagsasanib ang animation at live actors.

Sa kuwento ni Governor Imee, ang karakter ni John Wayne ay isang taong dumating sa lugar kung saan talamak ang kaguluhan at kasamaan.

Si John Wayne ang magsisilbing ehemplo ng pagbabago.

Kung papanoorin ang pelikula, mapapansing ang mga karakter ay base sa mga bayani ng Pilipinas at mga mahahalagang tauhan sa panahon ng himagsikan, ayon kay Imee.

Ginawang kontemporaryo at moderno ang pagsasalin ng kuwentong may kinalaman sa history natin, kaya makaka-relate daw ang mga tao, lalo na ang mahihilig sa hip-hop.

Ayon kay Imee, inabot ng ilang taon ang pagbubuo ng pelikulang Pintakasi.

IMEE'S RETURN TO LOCAL FILM INDUSTRY. Ang konsepto ay nagsimulang mabuo noong bago ang centennial celebration (1998) at ang pre-production ay noon namang 2008.

"Hindi namin alam, e, na pasok kami [sa MMFF].

"Nakalimutan na namin ang pelikula, sa tagal. Nabaon na!" natatawang pahayag ni Imee.

"Totoo, nakalimutan na.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name