Sa ginagawang primetime series ngayon ni Dingdong Dantes sa GMA-7, ang The Beloved, ay wala pang katiyakan kung sino talaga ang magiging leading lady niya rito.
Bagamat nakapag-taping na si Rhian Ramos para sa seryeng ito, nagpalabas ng statement ang GMA-7 last week na hindi na siya matutuloy rito.
Nais daw kasing magpahinga muna ni Rhian sa "trauma" na idinulot ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito at ng dati niyang boyfriend na si Mo Twister.
(CLICK HERE to read related story.)
Sa presscon ng Panday 2 kaninang tanghali, December 14, ay tinanong ang kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera kung napag-uusapan nila ang tungkol dito at kung sino ang napipisil ng Kapuso network na maging kapalit ni Rhian.
Pero saad ni Marian, "Ay, hindi namin napag-uusapan 'yan.
"Kasi naman ang Amaya, e, week 27 pa lang ang tine-taping namin. Hanggang week 33 ang Amaya.
"So, siguro focus muna ako sa Amaya."
Ang Amaya ang epicserye na pinagbibidahan ni Marian sa GMA-7.
Paano kung sa kanya i-offer ang papel ng leading lady ni Dingdong sa My Beloved?
"Actually, gusto ko munang mag-focus sa Amaya," diin ni Marian.
"Pero siyempre, may contract ako sa GMA.
"Kung ano ang ibigay nila sa akin at ano ang kailangan kong gawin, gagawin ko naman 'yon.
"Sa ngayon, gusto ko munang mag-focus sa Amaya.
"Kasi mga limang weeks pa ang kailangan naming tapusin sa Amaya."




0

