news

Senator Bong Revilla saddened by current state of executive and justice departments
by Jun Nardo posted on December 14, 2011  STATS: 14886 Views | 37 Comments

 

Senator Bong Revilla on their family crisis: "Alam mo, maraming dumating na bagay...mga pagsubok sa buhay ko. Basta palagi kang nagdarasal. Hindi ka siguro bibigyan ng pagsubok katulad ng pinagdaanan namin kung hindi mo kaya."

Photo By: Noel Orsal

Nalulungkot si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kaguluhang nangyayari sa executive at judicial departments ng gobyerno ngayon.

"Magiging senator-judge kasi ako kaya hindi ako puwedeng mag-comment, pero nakakalungkot ang nangyayari sa bansa natin," pahayag ni Senator Bong.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Bong sa presscon ng filmfest entry nila ni Marian Rivera na Panday 2 kaninang tanghali, December 14.

Ano naman ang masasabi niya kay dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na naka-hospital arrest ngayon dahil sa bintang na election fraud?

"Siyempre, nalungkot din sa nangyari. Sa hinaharap nila ngayon," maiksi niyang tugon.

Kaalyado ni Senator Bong si GMA sa partidong Lakas-Kampi-CMD.

AMA, ANAK, ASAWA. Kinumusta rin ng PEP sa actor-politician ang relasyon nila ng asawang si Lani Mercado-Revilla, na nanunungkulan naman bilang kongresista sa Cavite.

Bumoto si Lani laban sa impeachment ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Nagpapahiwatig ito na hindi niya pinapanigan si President Noynoy Aquino.

"She's doing very well as a politician, public servant," sagot ni Bong.

"Nakita ko ang galing niya at puso sa trabaho.

"Kumbaga, maraming nagku-comment na magaling si Lani at mas magaling pa sa akin.

"Dapat lang!" natatawang pagmamalaki ni Senator Bong sa asawa.

Pagdating naman sa anak na si Jolo Revilla, inaalalayan din niya ito na nasa pulitika rin—bilang barangay captain sa isang bayan sa Cavite.

"Nandito kami palagi sa kanya. Nasa tamang edad na siya.

"Basta huwag siyang lilihis. Sa tama lang siya," saad ni Senator Bong.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

37 Comments

  • 37  swissmatz

    12/18/2011 | 04:00 AM
    Well I hope that your PANDAY 2 will be the top grosser this coming MMFF...Its Christmas time ,,, hoping for everyone's happiness...Merry xmas to u Sen BONG, Cong Lani and your family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  JeepneyDriver

    12/16/2011 | 04:12 AM
    Nakikisakay nanaman si Agimat.....Alam kaya nito ang pinagsasabi...baka nag pagawa lang ng script yan para maganda pakingan lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  MoonDance

    12/15/2011 | 08:52 PM
    Im not political person and i didnt voted for CGMA before. But let us stop this bickering, it just pull our country down to the quagmires of extreme poverty. and Pnoy should leave the prosecution of CGMA and her allies to the courts. But its really pathetic, the executive branch is the one persecuting the judiciary because CJ Corona was an appointee of CGMA. wait for your turn Pnoy, I am sure you will do the same thing too enough of your dictatorial stance, you are like a kid who bully adults if your wish is not followed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  pinaypayko

    12/15/2011 | 04:40 PM
    I admire him as an actor on screen where he can be a hero all the time. As for his politics, all are fictional promises.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  joie2dworld

    12/15/2011 | 02:14 PM
    ayaw ko kay Bong Revilla,plastik at protektor siya ni Gloria Arroyo, naiirita din ako sa manager niya, ang yabang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  kapuso20

    12/15/2011 | 02:10 PM
    Si Marian lang ang gusto kong makita sa movie nila. Bong ang galing mong gumanap na super hero sa pelikula, sa totoong buhay, ay hindi, lalo na sa pulitika. Sa senado, pareho lang kayo ng iba dyan, naghihintay ng grasya. Kung may pagmamahal ka sa sariling bansa sana noon pa, hindi mga press release. Basta ako, suportado ko ang matinong politician kahit hindi artista,kahit hindi ko kaibigan basta totoo at hindi nagpapanggap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  D_katie

    12/15/2011 | 01:49 PM
    Kaya nga nagpa pulitika pareho ng tatay nya para sumali sa hamigan. Magaling mang uto, konting pakitang gilas, konting donasyon triple ang bawi. Ang daming nalolokong voters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  bisdak_akopud

    12/15/2011 | 12:43 PM
    GMA or Pnoy, puro power hungry. Grabeh naman kung manalo si Pnoy dito so that means wala ng silbi ang justice system sa atin. I didn't vote for him kaya I don't deserve this power trip move from you PNOY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  pepato

    12/15/2011 | 11:31 AM
    AHAHAHA!!!! Pagka SAPUL ka nga naman AARAY KA NG TODO. Tsk tsk tsk . . . Poor thing! LMAO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  hototguy

    12/15/2011 | 10:43 AM
    Network war??? kaya ganyan kayo kung maka comments sa artistang di kaanib sa istasyon nyo. Yan ang nakakakilabot na totoo. Talangkang kaisipan!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  hototguy

    12/15/2011 | 10:40 AM
    Tanungin nyo nga sarili nyo kung ano ng maganda ginawa nyo sa bansa???? mga perpektong ta nga!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  hototguy

    12/15/2011 | 10:38 AM
    Anuman ang sabihin nyo sa kanya, dyan lang kayo at patuloy na umaalulong dahil wala rin kayong magawang maganda sa Pilipinas. Yan ang totoo. Magaling lang kayong ngumawa! pero walang kayong kwenta!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  hototguy

    12/15/2011 | 10:36 AM
    Isa sa mga WORKING SENATOR natin, yung mga sinasabi nyong bad comments sa kanya, kayo ang hindi nagbabasa at nakaka unawa. Bakit? dahil di nyo alam na isa sya sa mga senador na maraming naipasang batas. Yung inaakala nyong maingay at madaldal sa senado, sila ang mga WALANG nagawa sa Pilipinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  nenetski36

    12/15/2011 | 08:10 AM
    very sad indeed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  D_katie

    12/15/2011 | 08:01 AM
    Sumipsip yan kay Gloria noong panahon ni Erap, kaya malamang ang dami nyang pera. Kay Pnoy,pinag-iisipan pa kung paano bumalimbing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  washdckami

    12/15/2011 | 05:59 AM
    cgurado kikita ang panday mo sa dami nyo ba namng nakukurakot sa gobyerno.ibili nyo lang ng tickets ang mga tao akala bait na kayo then next election bingo panalo ulit. gaano na kayo katagal sa posisyon mula sa tatay mo kaya ganyan kalaki ang sustento sa kulasisi nya.kaya lahat kayo gusto nyong pasukin ang politics
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  froxz_123

    12/15/2011 | 05:37 AM
    palagay ko ang mga manunuod lang ng panday ay ang di nagbabasa at nanunuod ng tv. sa dami nang negative issues kay bong at sa mga revilla lalagpak ang Panday sa MMFF. Yoon namang ibang manunuod ng panday ay mula sa fans ni Marian at Dingdong. Mahahati pa dahil ang makadingdong Segunda Mano panunuorin at ang makaMarian ay mapupunta sa panday.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  pinoycali_ako

    12/15/2011 | 04:39 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  bruhilda26

    12/15/2011 | 03:29 AM
    Oo Bong please lang huwag ka ng mag comment tungkol sa nangyayari sa atin Judicial System ngayon.Tama ka ama,anak, asawa ang nanunungkulan sa bayan ng Cavite, inangkin na ninyong mag anak ang bayan ng Cavite.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  kardashians

    12/15/2011 | 03:15 AM
    Parang awa Mr. Bong, mag-artista ka nalang dahil diyan ka bagay at hindi sa Senado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About