Ang sabi niya sa affidavit, "I have lost trust and confidence in the Quezon City Prosecutor's Office, I will seek a change of venue at the soonest time."
Dagdag pa rito, nakakatanggap daw si Annabelle ng "reliable reports" na "sure to lose" na siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya ni Nadia.
Ang saad niya sa complaint affidavit, "I have been receiving reliable reports that I am sure to lose all cases in Quezon City filed by Nadine, since she has 'connections' in the Prosecutor's Office. These were TOLD to me by several persons."
GETTING IN TOUCH WITH THE PEOPLE INVOLVED. Agad na tinawagan ng PEP ang Station 10, Kamuning Police Station, Quezon City Police District—na sakop ang Imperial Palace Suites—kagabi, bandang alas nuwebe.
Isang SP02 Raymond Ariona ang sumagot sa aming tawag sa telepono.
Aniya, "Wala pang natatanggap na subpoena ang station namin," kaya wala raw siyang detalye na maibigay sa PEP.
Hindi rin matukoy kung alin sa mga maraming operating units ng Station 10 ang nagsagawa ng pagbisita sa opisina ng Royal Artists Management, ang pangalan ng kumpanya ni Annabelle.
"Maganda kung alam yung mga pangalan," aniya.
Nang tanungin kung may blotter na ini-report si Nadia Montenegro tungkol sa December 6 incident, kung saan sinigawan ni Annabelle ang mga anak ng dating aktres, tinanong ni SPO2 Ariona ang kasama, at saka sinabing, "Negative."
Samantala, kinontak na rin ng PEP si Nadia, na nagsabing kausapin ang kanyang abugado na si Atty. Abraham.
Dalawang text messages na ipinadala kay Atty. Abraham—kagabi, 10:39 p.m., at kanina, 8:14 a.m.—subalit wala pa itong sagot.
Samantala, personal na nagsadya ang writer na ito sa Quezon City Prosecutor's Office ngayong umaga.
At ang tinuran ng mga taong nadatnan namin, "Wala kaming alam diyan."
Tinawagan din ng PEP ang Quezon City Hall Police Action Center, na siyang unang nagsabi sa PEP na may blotter daw si Nadia Montenegro sa reklamong "oral defamation" noong December 6 rin, at 12:45 p.m.
(CLICK HERE to read related story)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 ako2
2 shidax
1 westbourne
more comments