Pokwang on being the next Ai-Ai delas Alas: "Siguro hayaan na lang natin yung mga tao ang humusga. Mahirap naman kung manggaling sa akin."

Glen P. Sibonga
Thursday, December 15, 2011 @ 06:50AM  |  7713 views

 

Pokwang on her launching film, A Mother's Story: "Pressure po talaga itong pelikulang ito sa akin kaya ginawa ko na lang po na talagang galing sa puso ko. Inisip ko na lang din po ang pagod ng lahat ng nakatrabaho ko. Yun nga, nagpapasalamat po ako na drama po ang ibinigay sa akin, na napakalaking challenge po talaga. Malaki rin po talaga ang naitulong ng pagiging ina ko sa totoong buhay at yung mga experiences ko bilang OFW dati. Yun po, nai-apply ko talaga dun sa mga eksenang ginawa ko."

Photo By: Noel Orsal













Muli na namang nabuhay ang isyu ng pagkukumpara kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang dahil parehong may malapit nang i-showing na mga pelikula ang dalawang komedyana.

Si Ai-Ai ay mapapanood kasama si Vic Sotto sa Enteng ng Ina Mo, ang entry ng Star Cinema, M-Zet Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011 na magsisimula sa Disyembre 25.

Si Pokwang naman ang bida sa opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel (TFC) sa 2012, ang A Mother's Story, na ipalalabas sa mga sinehan sa Enero 8.

Pero muli ngang nilinaw ni Pokwang na walang rivalry sa kanila ni Ai-Ai.

"Okay naman kami. Wala naman kaming problema ni Ms. Ai-Ai. Wala kaming problema."

Ito ang sinabi ni Pokwang nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng A Mother's Story kagabi, Disyembre 14, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Matatandaang Mayo noong isang taon nang magkrus ang landas nina Pokwang at Ai-Ai sa tulong ng kaibigan nilang si Kris Aquino.

Dito ay nagkausap sila at ipinakita sa lahat na hindi totoo ang balitang may hidwaan sila dahil sa madalas na pagkukumpara sa kanila.

Pero ano ba ang epekto kay Pokwang ng isyu ng pagkukumpara sa kanila ni Ai-Ai?

Ayon sa kanya, "Actually, nahihiya na nga ako kay Ms. A.

"Pero natutuwa naman ako kasi malawak ang pag-iisip niya."

NO TIME FOR BONDING. Nanghihinayang lang si Pokwang na pareho silang busy ni Ai-Ai kaya wala silang oras na makapag-bonding.

"Sinagot na rin niya 'yang tanong na 'yan na wala kaming time na mag-bonding dahil nga busy sa trabaho, di ba?

"May mga anak kami, bilang pareho kaming mga single mom.

"Siyempre, pag may panahon na free kami, mas ibinubuhos na lang namin dun sa mga anak namin."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name