PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on being the next Ai-Ai delas Alas: "Siguro hayaan na lang natin yung mga tao ang humusga. Mahirap naman kung manggaling sa akin."

The comedienne will be launched in the dramatic motion picture, "A Mother's Story."
by Glen Sibonga
Published Dec 15, 2011
Pokwang on her launching film, A Mother's Story: "Pressure po talaga itong pelikulang ito sa akin kaya ginawa ko na lang po na talagang galing sa puso ko. Inisip ko na lang din po ang pagod ng lahat ng nakatrabaho ko. Yun nga, nagpapasalamat po ako na drama po ang ibinigay sa akin, na napakalaking challenge po talaga. Malaki rin po talaga ang naitulong ng pagiging ina ko sa totoong buhay at yung mga experiences ko bilang OFW dati. Yun po, nai-apply ko talaga

Muli na namang nabuhay ang isyu ng pagkukumpara kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang dahil parehong may malapit nang i-showing na mga pelikula ang dalawang komedyana.

Si Ai-Ai ay mapapanood kasama si Vic Sotto sa Enteng ng Ina Mo, ang entry ng Star Cinema, M-Zet Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011 na magsisimula sa Disyembre 25.

Si Pokwang naman ang bida sa opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel (TFC) sa 2012, ang A Mother's Story, na ipalalabas sa mga sinehan sa Enero 8.

Pero muli ngang nilinaw ni Pokwang na walang rivalry sa kanila ni Ai-Ai.

"Okay naman kami. Wala naman kaming problema ni Ms. Ai-Ai. Wala kaming problema."

Ito ang sinabi ni Pokwang nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng A Mother's Story kagabi, Disyembre 14, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Matatandaang Mayo noong isang taon nang magkrus ang landas nina Pokwang at Ai-Ai sa tulong ng kaibigan nilang si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nagkausap sila at ipinakita sa lahat na hindi totoo ang balitang may hidwaan sila dahil sa madalas na pagkukumpara sa kanila.

Pero ano ba ang epekto kay Pokwang ng isyu ng pagkukumpara sa kanila ni Ai-Ai?

Ayon sa kanya, "Actually, nahihiya na nga ako kay Ms. A.

"Pero natutuwa naman ako kasi malawak ang pag-iisip niya."

NO TIME FOR BONDING. Nanghihinayang lang si Pokwang na pareho silang busy ni Ai-Ai kaya wala silang oras na makapag-bonding.

"Sinagot na rin niya 'yang tanong na 'yan na wala kaming time na mag-bonding dahil nga busy sa trabaho, di ba?

"May mga anak kami, bilang pareho kaming mga single mom.

"Siyempre, pag may panahon na free kami, mas ibinubuhos na lang namin dun sa mga anak namin."

Ano naman ang reaksiyon niya na higit sa pagkukumpara, sinasabi ng iba na siya ang susunod sa yapak ni Ai-Ai dahil sa parehong daan na tinatahak ng showbiz careers nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Pokwang, "Siguro hayaan na lang natin yung mga tao ang humusga. Mahirap naman kung manggaling sa akin.

"Kasi si Ms. A, kung saan siya naroon ngayon, yung mga taong nagtiwala at nagmahal sa kanya ang naglagay sa kanya sa posisyon niya ngayon."

Gusto niya bang magkatrabaho sila ni Ai-Ai sa isang proyekto?

"Why not? Gustung-gusto ko 'yan. Alam iyan ni Ms. Ai-Ai," sagot ng Happy Yipee Yehey! co-host.

So, hindi totoo na nag-iiwasan sila na magkasama?

"No, hindi totoo 'yan.

"Pagka alam ko na nandiyan siya, dinadalaw ko siya sa dressing room."

Iimbitahin niya bang manood ng A Mother's Story si Ai-Ai?

"Naman! Oo, naman.

"Pero siyempre hayaan muna natin ang ating reyna kasi busy pa 'yan sa pelikula nila ni Bossing Vic."

May mensahe pa nga si Pokwang para sa mas mauunang showing ng Enteng ng Ina Mo.

Aniya, "Good luck, Ms. A, sa pelikula n'yo ni Bossing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"For sure another box-office hit na naman iyan lalo na't pinagsama ang powers n'yo ni Bossing.

"Well, sigurado ako patatawanin n'yo at paliligayahin nang husto ang mga tao sa inyong movie.

"Kaya pag napagod na sila sa kakatawa sa Pasko at Bagong Taon, paiiyakin ko naman sila sa January 8," sabi niya.

FIRST SOLO LEAD. Kung si Ai-Ai ay ilang beses nang nagbida sa maraming pelikula niya, ang A Mother's Story naman ang masasabing launching movie ni Pokwang bilang solo lead sa isang drama film.

Kasama ni Pokwang sa pelikula sina Rayver Cruz, Xyriel Manabat, Nonie Buencamino, Beth Tamayo, Ana Capri, Aaron Junatas, at Daria Ramirez.

Malaki nga ang pasasalamat ni Pokwang sa TFC at Star Cinema dahil siya ang "first and only choice" para sa role ni Medy, isang inang sumabak sa pagiging OFW para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Pero daranas siya ng hirap dahil sa kanyang pagti-TNT (tago nang tago) sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatulong ba na isang drama ang naging launching movie niya para maiwasan na rin ang pagkukumpara sa kanila ni Ai-Ai sa comedy?

Sagot ni Pokwang, "Siyempre, Box-Office Queen ang Ms. Ai-Ai.

"Pressure po talaga itong pelikulang ito sa akin kaya ginawa ko na lang po na talagang galing sa puso ko.

"Inisip ko na lang din po ang pagod ng lahat ng nakatrabaho ko.

"Yung kay Ms. Ai-Ai po kasi, umiiyak tayo sa katatawa.

"Yun nga, nagpapasalamat po ako na drama po ang ibinigay sa akin na napakalaking challenge po talaga.

"Malaki rin po talaga ang naitulong ng pagiging ina ko sa totoong buhay at yung mga experiences ko bilang OFW dati.

"Yun po, nai-apply ko talaga dun sa mga eksenang ginawa ko."

Naging OFW (Overseas Filipino Worker) dati si Pokwang, nagtrabaho siya bilang entertainer sa Japan at sa Abu Dhabi.

CHRISTMAS PLANS. Dahil nalalapit na ang Pasko, may plano na ba siyang gawin sa espesyal na araw na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa bahay lang.

"Bilang first Christmas at first New Year dun sa bagong bahay, dun muna kami ng anak ko."

Wish niya sa Christmas?

"More projects at saka makatrabaho yung mga artistang gusto kong makatrabaho."

Kung siya si Santa Claus, bukod sa anak niya, sino pa ang gusto niyang regaluhan at ano ang ibibigay niya?

"Si Direk John D [Lazatin], yung direktor namin sa A Mother's Story.

"Sakripisyo nga yung ginawa niya dahil during nung nagsu-shoot kami, may sakit yung nanay niya.

"So, mas pinili niyang tapusin muna yung pelikula.

"So, nagsakripisyo siya imbes na makasama niya yung nanay niya sa maikling panahon, di ba?

"Ang ireregalo ko sa kanya yung isang matinding friendship na hinding-hindi niya makakalimutan na talagang may respeto.

"Napakabuting tao ng direktor namin," pagwawakas ni Pokwang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on her launching film, A Mother's Story: "Pressure po talaga itong pelikulang ito sa akin kaya ginawa ko na lang po na talagang galing sa puso ko. Inisip ko na lang din po ang pagod ng lahat ng nakatrabaho ko. Yun nga, nagpapasalamat po ako na drama po ang ibinigay sa akin, na napakalaking challenge po talaga. Malaki rin po talaga ang naitulong ng pagiging ina ko sa totoong buhay at yung mga experiences ko bilang OFW dati. Yun po, nai-apply ko talaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results