Kris Bernal on breakup with Jay Perillo: "Pinatigil ko na rin talaga dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa. May misunderstanding na ganyan. Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya. So, minsan hindi naaayos."

Photo: Noel Orsal

Hindi diretsahang maamin ni Kris Bernal na break na sila ng singer na si Jay Perillo dahil hindi naman nila kailanman inamin na naging sila.

Open naman sina Kris at Jay sa kanilang relasyon dahil nakikita ang sweetness nila kapag magkasama sila sa Party Pilipinas, pero sa mga interview ay hindi nila inaming mag-on na sila officially.

Kaya nang mapag-usapan ang tungkol sa kanilang breakup sa presscon ng Panday 2 kahapon, December 14, hindi maidetalye ng young actress ang dahilan ng hiwalayan nila ng singer.

Ayon kay Kris, basta walang third party involved at hindi selos ang dahilan.

"Mahirap siyempre. Ako ang nakipag-break," sabi ni Kris nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang nakipag-break at kung nahirapan din ba siya sa naturang breakup.

Dagdag pa niya, "Pinatigil ko na rin talaga dahil may mga bagay na hindi naintindihan sa isa't isa.

"May misunderstanding na ganyan.

"Every time kasi na may away, parang hindi siya ma-solve kasi may ugali kami minsan na ako mataas ang pride ko, siya rin mataas ang pride niya.

"So, minsan hindi naaayos."

Marami ang nakapansin sa Party Pilipinas noong nakaraang Linggo, December 11, na tila sweet na naman sila. Kaya pinag-usapang nagkabalikan silang dalawa.

Pero ayon kay Kris, walang balikang nangyari.

Nakita lang daw niya si Jay na napakalungkot kaya kinausap niya ito.

Kuwento ng StarStruck alumna, "Marami pong nakapansin nun.

"Nakita ko nga po sa Party P na malungkot.

"Siyempre, hindi ko naman kaya na makita siyang ganun, di ba?