news

Anne Curtis on her forthcoming Araneta concert: "Hindi ako papayag na walang birit!"

by Rose Garcia posted on December 15, 2011  STATS: 2833 Views | 92 Comments

 

Anne Curtis on her record album being spared from piracy: "Na-offend ako, but at the same time, kaya nga nag-platinum dahil wala silang choice kung hindi ang bumili ng original!"

 

Photo By: Sany Chua

Lahat na yata ng rason ngayon para maging masaya ay na kay Anne Curtis na.

Isa na nga siyang recording artist dahil certified platinum record ang kanyang first album under Viva Records, ang Annebisyosa.

Idagdag pa ang kanyang masayang personal na buhay at box-office hit na pelikula.

At siyempre, ang kabi-kabilaang endorsements.

Isang  masayang Anne Curtis nga ang humarap sa ilang entertainment press sa office ng Viva Entertainment sa Tektite Towers, Ortigas Center, Pasig, kahapon, December 14, para sa press conference ng kanyang concert titled Annebisyosa: No Other Concert World Tour.

Nakatakda ang concert ni Anne sa January 28, 2012 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kasabay na rin nito ang pag-celebrate ni Anne ng kanyang 15th year sa showbiz.

"Di ba nga, palaging tinatanong ako na kung, 'Ano naman ang mae-expect ngayong may album ka na?' 

"Nandiyang nagdyo-joke-joke ako, 'Ano pa nga ba, concert!'  Naggagaganoon lang ako.

"Kaya nagulat lang ako noong sinabi ni Ate VR [Veronique del Rosario, her manager] na, 'Uy, tumuwag na si Daddy [Vic del Rosario]. Magko-concert ka. Sa Araneta.'

"'Huh?!' Kasi, hindi talaga expected. 

"After siya ng Side A at Martin Nievera's concert, na nakita ni Boss Vic doon na kina-clap ako ng tao sa production number ko do'n, so doon nagka-idea. 

"Nginig na nginig ang kamay ko.

"So, after noon, naging open-minded si Boss Vic na magko-concert ako.

"Na-shock lang po ako na Araneta [ang venue]."


Isang mabilis na "Siyempre!" ang tugon ni Anne nang tanungin kung kakayanin ba ng vocal cords niya ang concert.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

92 Comments

  • 52  westbourne

    12/16/2011 | 04:48 AM
    Dont blamed anne or music.industry..anne so lucky to have many fans nga willing mag bayad for her to show ther support sa idol nila.. Aanhon mo ang galing mo sa pag kanta like la diva kung hindi naman mabinta??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  divina12345

    12/16/2011 | 04:27 AM
    tama kung ayaw nyo e di huwag kayong manood kay anne na rin mismo nanggaling na this is just for fun. go anne!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  stunningAngel

    12/16/2011 | 04:03 AM
    hahaha.naku anne mukhang madami aatakihin sa ginagawa mo.di kasi nila matanggap na ikaw na pangit ang boses eh naka Platinum na at binigyan ng break na mag concert.at hindi lang basta concert kung saan saan eh sa BIG DOME PA!hahaha.samantalang yung mga idol nilang pagkagaling galing daw kumanta eh di man lang maka gold.and until now nangangarap pa rin na isang araw eh makapag concert sila sa BIG DOME!hahaha.kaloka.grabe epekto ni anne sa mga ingittera.lol!Go anne!magbasag ka ng mga salamin sa concert mo!LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  JoeyfromNY

    12/16/2011 | 03:57 AM
    Say what?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  wallflower

    12/16/2011 | 03:31 AM
    Anne, sorry but stick to acting. Wala kang K sa pagkanta. Isa na ring insulto ito sa music industry ng Pinas. Naha-hype lang ng husto kasi benta sa tao dahil malakas talaga ang loob mo na suungin ang pagkanta. Pero naman...geez. Parang insulto na rin ito sa mas magagaling na singers ng bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  patchandnora

    12/16/2011 | 02:49 AM
    ano ba ang nangyayari sa music industry ng pinas..? at akalain mong naka platinum award pa jusme..! anne maawa ka hahahaha hindi ito dapat pinapayagang kumanta ok na yung acting pero yung singing, it's a big NO NO tlga..!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  Sortkwik11

    12/16/2011 | 01:58 AM
    what a disgrace in music industry! kakahiya talaga, di na binigyan ng respeto ang mga tunay na singers sa pilipinas. that's absurd!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  Sortkwik11

    12/16/2011 | 01:56 AM
    mukha syang lalaki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  AKOKAZE

    12/16/2011 | 12:42 AM
    ooohhh haba ng art. naku Anne bago ka magconcert magtodo voice lesson ka.. last time sa ASAP Rocks nung kinanta mo yung Alone.. grabe wala sa tono.. ang birit mo pasigaw.. aysus.. nadadala lang sa charisma ni Anne hehehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  abscbnkapamilya

    12/16/2011 | 12:34 AM
    Kakatawa ang mga taga kabila. Laos pala sa kanila si Anne. Oh well, sikat kasi sa kanila si ryza cenon, chynna ortaleza, ehra madrigal, pauleen luna, yung mga ganung leveling na hanggang ngayon eh STARLETS pa rin. ahahahah. Oh well, ganyan talaga mga taga kabila, niLALAOS ang mga SIKAT tapos yung mga STARLET eh yun ang sikat sa kanila. ahahaha. Ganyan talaga ang mga kapusow, ang sikat sa kanila si Diego. ahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  Sodalover1

    12/15/2011 | 11:59 PM
    Kalahatingtao- everytime nakikita ko yung triong singers na puro babae, parating kong tinatanung yung pangalan nila. Samakatuwid, MAHINA utak mo! Pangalan lang di mo pa matandaan-ang slooooow ng memory! And infairness, PARTY PILIPINAS ang pinapanood mo kasi alam mo ang style nila. lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  kantaratarat

    12/15/2011 | 11:33 PM
    iba na talaga ang taste ng mgs class a. sa beauty, melai. singing, anne ahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  shekinah0923

    12/15/2011 | 11:27 PM
    naku patawarin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  divina12345

    12/15/2011 | 11:26 PM
    good luck sa concert mo anne. marami kaming nagmamahal sa yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  rmariee

    12/15/2011 | 10:59 PM
    what a waste. pls. dont insults good singers anne. that's all they can do sa mga LAOS na actress and WANNA be singers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  MaryaLaDelBario

    12/15/2011 | 10:49 PM
    dinaig pa ni anne ang singer singeran ng GME hahahaha kaloka naka platinum ni sa panaginip hindi magawa ng GME singer singeran hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  rhiamags

    12/15/2011 | 10:33 PM
    mga teh! relax lang kayo! kung ayaw niyo boses niya eh di wag pumunta sa araneta. dun kayo sa comedy bars, daming biritera don...magsawa kayo. kanya-kanyang trip lang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  stunningAngel

    12/15/2011 | 10:14 PM
    LOL!hindi naman pagandahan ng boses ang benebenta ni Anne dito eh. ang sa kanya ang ang mapasaya nya ant maaliw ang mga FANS nya.so bakit apektado ang mga hindi fan ni Anne?hindi para sa inyo ang Concert nya.kundi para sa mga humahanga sa kanya.LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  itsme444

    12/15/2011 | 09:54 PM
    Kaya naging platinum ang album niya, halos lahat binili ni Vic del Rosario. Mapupuno siguro ang Araneta pero hindi dahil maganda ang boses niya. Ganito na ba ang taste ng mga tao? How sad!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  Lokotoy

    12/15/2011 | 09:27 PM
    Walang k kumanta ito ano.... Baka kumanto meron hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About