Anne Curtis on her record album being spared from piracy: "Na-offend ako, but at the same time, kaya nga nag-platinum dahil wala silang choice kung hindi ang bumili ng original!"

 

Photo: Sany Chua

Mga ex-boyfriends ba niya ang mga "boys" na binabanggit niya?

"Meron...pero hindi lahat. 

"Basta! I'm sure alam ninyo rin naman yun kasi magtu-tweet din naman ang mga yun sa Twitter soon enough. 

"So, yun, abangan ninyo na lang kung sino dahil alam din naman nila yun for sure. 

"Pero iilan lang din naman ang mga nakakasama ko dito sa business that are truly my friends. 

"So, yun na yun."

WORLD CLASS? Kapansin-pansin sa titulo ng concert ni Anne na may "world tour."

Ibig sabihin, hindi lamang dito sa Araneta siya magpe-perform kung hindi maging sa ibang bansa?

Ayon  kay Anne, "I think, may mga dumating kasi sa office noon. Na-shock ako, kasi sabi ni Boss Vic, 'Come here, may i-introduce ako sa 'yo.' 

"Sila yung mga magpo-produce ng concert ko sa abroad.

"'Huh? Hello!' Super-chika naman ako.

"After that, doon ko nalaman na ang Annebisyosa: No Other Concert ay magwu-world tour pala.

"Kaya sabi ko, 'Wow, taray, ha, hindi muna ko nag-nationwide, world tour na kaagad!'" natatawa niyang sabi.

Dagdag pa ni Anne, "At Araneta agad! Pressure! Pressure na pressure talaga. 

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.