Ginunita kahapon, Disyembre 14, ang ika-pitong anibersaryo ng pagkamatay ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ.
Siya ay si Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay.
Kabilang sa mga dumalo sa memorial mass sa kanyang libingan sa Manila North Cemetery ang kanyang mga kaanak, kaibigan, at supporters.
Nanguna na nga rito ang anak ni FPJ na si MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares.
Kasama rin sina dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, Vice President Jejomar Binay, Manila Mayor Alfredo Lim, at dating Senador Ernie Maceda.
CORRECTING HISTORY. Kahit pitong taon na ang nagdaan, buhay pa rin ang pait sa mga mahal niya sa buhay na naniniwalang nadaya si FPJ sa presidential elections noong 2004.
Sa ulat nga ng ABS-CBN news programs na TV Patrol at Bandila kagabi, sinariwa ni Mary Grace sa kanyang talumpati ang laban na kinamatayan ng kanyang ama.
Hiling nga nito na sana ay maiwasto ang kasaysayan.
Ayon kay Grace, "Gusto ba ninyo na balang-araw pag binuklat natin ang mga libro ay nakalagay doon na 14th President, pero ito nandaya?
"Hindi ba mas okay na lang sabihin na naupong pangulo, pero ang talagang pangulo ay si FPJ?"
Ang tinutukoy ni Grace na "nandaya" at naupong 14th President ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (GMA), na ngayon ay congresswoman ng Pampanga.
Pumanaw si FPJ sanhi ng stroke, pitong buwan matapos iproklamang pangulo ang pinakamahigpit niyang katunggali, si Mrs. Arroyo, noong 2004.
Kasalukuyang naka-hospital arrest si GMA sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, dahil sa kinakaharap nitong kaso ng electoral sabotage noong 2007 senatorial elections .
Pero kahit nakaalis na sa puwesto bilang pangulo si GMA, duda naman ang mga tagasuporta ni FPJ kung maitatama pa ang umano'y maling kasaysayan.
Ayon kay Butch Cadsawan, presidente ng FPJPM, "Sa tingin ko hindi pa panahon.




0

