PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family, friends, and supporters push for correcting history by declaring Fernando Poe Jr. as duly-elected 14th President of the Philippines

by Glen Sibonga
Published Dec 15, 2011
MTRCB Chairman Mary Grace Poe Llamanzares on declaring her father, Fernando Poe Jr. (in photo), as 14th President of the Philippines: "Gusto ba ninyo na balang-araw 'pag binuklat natin ang mga libro ay nakalagay doon na 14th President, pero ito nandaya? Hindi ba mas okay na lang sabihin na naupong pangulo, pero ang talagang pangulo ay si FPJ?"

Ginunita kahapon, Disyembre 14, ang ika-pitong anibersaryo ng pagkamatay ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ.

Siya ay si Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay.

Kabilang sa mga dumalo sa memorial mass sa kanyang libingan sa Manila North Cemetery ang kanyang mga kaanak, kaibigan, at supporters.

Nanguna na nga rito ang anak ni FPJ na si MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares.

Kasama rin sina dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, Vice President Jejomar Binay, Manila Mayor Alfredo Lim, at dating Senador Ernie Maceda.

CORRECTING HISTORY. Kahit pitong taon na ang nagdaan, buhay pa rin ang pait sa mga mahal niya sa buhay na naniniwalang nadaya si FPJ sa presidential elections noong 2004.

Sa ulat nga ng ABS-CBN news programs na TV Patrol at Bandila kagabi, sinariwa ni Mary Grace sa kanyang talumpati ang laban na kinamatayan ng kanyang ama.

Hiling nga nito na sana ay maiwasto ang kasaysayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Grace, "Gusto ba ninyo na balang-araw pag binuklat natin ang mga libro ay nakalagay doon na 14th President, pero ito nandaya?

"Hindi ba mas okay na lang sabihin na naupong pangulo, pero ang talagang pangulo ay si FPJ?"

Ang tinutukoy ni Grace na "nandaya" at naupong 14th President ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (GMA), na ngayon ay congresswoman ng Pampanga.

Pumanaw si FPJ sanhi ng stroke, pitong buwan matapos iproklamang pangulo ang pinakamahigpit niyang katunggali, si Mrs. Arroyo, noong 2004.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si GMA sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, dahil sa kinakaharap nitong kaso ng electoral sabotage noong 2007 senatorial elections .

Pero kahit nakaalis na sa puwesto bilang pangulo si GMA, duda naman ang mga tagasuporta ni FPJ kung maitatama pa ang umano'y maling kasaysayan.

Ayon kay Butch Cadsawan, presidente ng FPJPM, "Sa tingin ko hindi pa panahon.

"Kasi hindi pa napag-uusapan yung 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi nga ni Chairman Sixto Brillantes [ng Comelec], wala na raw ebidensiya."

EMOTIONAL ERAP. Naging emosyunal naman si dating Pangulong Estrada sa kanyang talumpati para sa yumaong matalik na kaibigan dahil hindi raw niya nadamayan si FPJ noon.

Sabi ni Erap, "Mayor, senator, vice president, presidente—kasama ko siya, tinulungan niya ako.

"Ngunit nung siya naman ang kandidato, ang sama-sama ng loob ko ay hindi man lang ako nakatulong dahil nakakulong ako."

Tulad ni GMA, na-hospital arrest din noong 2001 si Erap sa VMMC dahil sa kaso namang plunder.

(Nakasuhan din ng plunder ang anak niyang si Jinggoy Estrada, na ngayon ay senador. Na-dismiss ito.)

Hanggang sa inilipat si Erap sa isang military facility sa Tanay, Rizal. Tapos ay na-house arrest sa kanyang Tanay resthouse.

Pero noong Oktubre 2007 ay nakalaya si Erap sa bisa ng executive clemency o pardon na ibinigay ng noo'y Pangulong Arroyo.

Ayon sa mga kaanak at tagasuporta ni FPJ, matutuldukan lang daw ang kanilang sentimiyento kung maidedeklarang pang-14th President ng Pilipinas si Fernando Poe Jr.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FIGHTING FOR RIGHTFUL RECOGNITION. Sa ulat naman ng Balitaang Tapat ng TV5 kahapon, nanindigan si Mary Grace na hindi nila habol ang puwesto at kapangyarihan kundi ang pagkilalang nararapat para sa kanyang ama.

Ayon kay Grace, "Hindi na kasi mabubuhay si FPJ.

"Yun na yung nangyari. Hindi na siya mauupo bilang Pangulo.

"Pero sa tingin ko, meron pa tayong magagawa para magkaroon ng recognition."

Hindi naman dumating sa misa ang maybahay ni FPJ at Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Gusto raw kasi nitong mag-isang pumunta sa puntod ng asawa.

HARD TO FORGIVE. Sa ulat naman ng 24 Oras ng GMA-7, ayon sa mga tagasuporta ni FPJ, kung suntok man daw sa buwan na maiproklama pa si FPJ, okay na raw kahit isang congressional resolution na kumikilala sa pagkapanalo ni FPJ at mapabilang ang larawan ng yumaong aktor sa gallery ng mga naging Pangulo sa Malacañang.

Hindi rin daw matutuldukan ang kuwento ng dayaan kung 2007 elections lamang ang basehan sa kasong electoral sabotage na inihain kontra kay CGMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano naman daw ang kabanata ng 2004 elections?

Kaya nga aminado si Mary Grace na mahirap daw niyang kalimutan ang nakaraan, lalo pa ang pagpapatawad.

Sabi ni Grace, "Tatapatin ko kayo, unang-una kasi sa pagpapatawad, kailangan may humihingi kasi ng patawad, di ba?"

Sa Enero 2012, pormal daw hihingin ng FPJPM sa Comelec na simulan ulit ang pag-iimbestiga sa dayaan noong 2004 elections.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MTRCB Chairman Mary Grace Poe Llamanzares on declaring her father, Fernando Poe Jr. (in photo), as 14th President of the Philippines: "Gusto ba ninyo na balang-araw 'pag binuklat natin ang mga libro ay nakalagay doon na 14th President, pero ito nandaya? Hindi ba mas okay na lang sabihin na naupong pangulo, pero ang talagang pangulo ay si FPJ?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results